24 Replies
Hi, payat man po ang baby mo at d chubby, it doesn't mean po na d sya healthy. Kung nagpupunta po kayo sa pedia for scheduled vaccinations, mache-check naman po if tama po ang timbang nya accdg sa age nya. Tip po: don't compare your baby to other babies. Babies grow and cope differently pero. I'm speaking from experience po kasi before i envy yung super chubby babies. But actually my pedia doesn't want my child to become obese naman. Tip din po sa milk: if you decided po na mag mix na talaga formula. My pedia and other relatives recommended Hipp Organic or Nan Pro because unlike other milk po, tama lang yung protein content nya for the baby. Sorry no tip for breastfeeding kasi with my first baby, i only breastfed him for 2 months. I struggled a lot po. Maybe you can take supplements that can increase milk production or para tipid po, eat more sabaw saka mix food with malunggay like example scrambled egg with malunggay. Sana po naka help. Thank you
yung second baby ko, exclusive Breastfeeding sya until 3yrs old, pero di sya tumaba na parang si baymax.. pero ang napansin ko po, di sya sakitin, di sya mabilis kapitan ng sakit, kung sisipunin man sya, mabilis gumaling.. I suggest continue breastfeeding, sa formula milk naman pare parehas lang po yan, presyo lang pinagkaiba, check nio nalang po yung mga nutrients na nakalagay kung ano sa tingin nio magugustuhan nio, kaya ko po nasabi na pare parehas lang formula milk, pag nag ask kayo sa pedia lalo na pag private ang issuggest nila kung ano yung milk na meron sila, di rin pare pareho yung pineprescribe nila.. yun lang pows
Hindi naman ibig sabihin na hindi mataba eh hindi na healthy. Hindi indication ang TABA for you to say that your child is healthy. Consider also other factors like genes, tabain ba kayong mag asawa o hindi? Mataba talaga ang mga bata na nag ffm kasi may sugar yun. Mostly sa mga batang breastfed hindi talaga tabain pero napakabihirang magkasakit. Kung sa tingin mo konti ang gatas mo, try boosting it. Pump ka or unlilatch pa mas madalas. Join breastfeeding groups sa FB kasi napakarami mong matututunan..
Sakin din po 3months na si baby pero parang di lumalaki mukha pading newborn sabi nila haha. Nagpaconsult ako ng formula milk kasi low supply din breastmilk ko, kaso sbi bawal daw formula milk bsta unli latch lng daw magpoproduce din ng milk yan. Pero syempre naawa ako mas madalas gutom si baby tsaka kinakabag kasi walang madede sakin, tinry ko enfamil di nya hiyang, kaya nag switch ako s26 medyo pricey pero worth it ngayon taba taba na nya π trial and error lng sa milk kung anong mahihiyang ni baby mo. :)
Paano masasabi hindi hiyang si baby sa formula momsh??
Mommy, di base sa physic ng baby mo yung kalusugan niya. Keep on BFing... Di porket payat di healthy at di rin porket siksik eh healthy, do some research about BFing. Para mas lumawak pa po kaalaman mo sa breastmilk, mas better ang Breastmilk kesa formula. Panganay ko noon, micro-preemie grabe payat, til now payat padin siya. Pero bihira magkasakit. Matangkad para sa age niya, tama daw built niya for his age and napakasigla. #BFAdvocate #BFedMommafor4Years
Hay naku mommy... di mo pa naexperience ang naexperience ng ibang nanay. Kusang natigil milk supply nila. Kahit frequent breastfeeding and pump.
We are using S-26 Gold for my baby kc yan din milk ng first born ko 7yrs. ago and super nahiyang at until now never naging sakitin at siksik ang pangangatawan. As of now my 2nd child is turning 3mos. So far OK naman sa kanya ang S-26 Gold kaya di na rin kame nag try ng iba. 5.5 na recent weight nya and 61cm. Better check first with your pedia mamsh. Wala naman pong mas better na formula milk as long as hiyang si baby. Good luck!π
Breast milk n lng mommy inuman mo lang ng milo 3x a day at bakbakan mo ng sabaw n may malunggay. Grve yan milk mo di p nag llatch si lo pumipiswit naπ 4x ako mag plit ng shirt buong araw sobrang lakas milk ko pumipiswit kahit di naka latch si lo. Di lang kasi kay lo may benefits ang breastfeeding pati saatin din mga mommies na nag bbreastfeed.
Matagal ko ng problema yan.. dami ko ng ginawa at sinubukan pero walang ngyari.last december pumunta n naman ako s nutritionist/pedia anek anek... vitamins nireseta iron at zinc. Ferlin and e zinc pinapainum ko. Na try ko na din enfagrow, enfamil,pediasure, nido, activa, nestogen, bonna, s 26, promil.. pero breastmilk ko talaga hinahanap nya.
Minsan kasi payat lang talaga ang mga babies. Yung bunso ko po hindi rin chubby, pero dahil healthy naman weight nya, tinuloy lang sa BF. Hanggang kaya po ibreastfeed mo sya, pero if kailangan nya talaga ng supplement dahil di sya naggagain ng weight, best consult your pedia po para magsabi ng formula. Fed is best pa rin. Good luck mommy!
Meron talagang slow gainers. But nothing beats breastmilk, momsh. Instead of finding a forumula for your LO maybe try to search on milk boosters to increase your supply para mas madami kang ma feed sa baby mo. π But still the choice is yours, fed is best as they say. I also use this as my guide, hope this helps you too.
Karla Dawn Robleza