Progesterone Heragest
Hi mga mommy. 31 weeks pregnant and may preterm labor ako ngayon. Niresetahan ako ni OB ng heragest sino na nakatry po nun? nakakahilo daw po. Ano effect sa inyo at gano katagal/mins effect? 2x a day for 7 days ko sya itatake. Sana umabot kami ng Nov due date. Thanks sa sasagot ☺️#advicepls
Ako po natry ko na po yan.. Niresetahan po ako ni OB nyan since my 1st trimester to 2nd trimester.. Then pinastop nya na po.. Hindi ko po xa iniinom pinainsert po xa ni OB sa loob ng vagina bago matulog and pagwala ng gagawin.. Pampakapit and pampalakas din po kay baby.. Pero sken po once a day lang po iniinsert.. Okay naman po si baby pero para lang daw po safe kc po medyo may edad ndin po ako I'm already 36 and 2nd baby ko na po eto.. This Nov 26 po edd ko..
Magbasa paPampakapit sia ako nga ininom ko, yan, 27 weeks to 34weeks kasi bumukas cervix ko and ang mahal mahal niya hahaha wala naman ako naramdman sabi ng ob ko pwede, sia, oral pwede insert sa pempem pero mas effective daw, pag insert so ako iniinsert ko, sia wala naman akong side effects na naramdaman maliban sa ung panty at ihi ko plgi my puti puti dahil sa nalusaw na, gamot
Magbasa paPreterm bb ko lmbas ng 35 weeks ok naman sia 3 months na sia now
Nakakahilo talaga pag ini inum mo sya, peru pag ini insert sa pwerta hindi nako nahihilo. 1st and 2nd trimester ako gumamit nyan. 1st pinapainum sakin katagalan pina pa insert na sa pwerta. Minsan nga nasusuka pa ako pag ini inum ko sya Kaya mas prefer ako pag ini insert sya sa pwerta, may discharge nga lang parang chalk white color tapos medyo oily sya 😅
Magbasa papwede po ba ako g magtanong .. nagka water discharge ako 31 weeks plang po pero not sure sa weeks kay nkalimot ko sa akoang LMP tas sabi ni doc magpa ultra daw ako kasi maliit daw tummy ko bka daw pag pinaanak ny ako preterm ang labas .. basehan ba tlaga ang laki ng tiyan para masabi po na mature ang baby o pre ?
Magbasa pamakikita kasi sa ultrasound ung laki ni baby, at ung sa panubigan mu kung sapat.
Ako din 5 weeks na nagiinsert nito sa vajeyjey bago matulog and 26 weeks plng ako now. Wala naman sya side effect skn bukod sa powdery discharge. Possible din ako sa premature birth laban lang aabot tayo sa full term. 😊
Hi mommy.. pampakapit po ang heragest.. its a hormonal tpye of med na nag hehelp sa cervix mo to close and to avoid pre term labor..two ways to take pwede sya vaginal pwede din oraly, depende po sa advise ni OB😊..
Sa 6 weeks ko momsh pang maintainance ko na to since. Kase sa work ko nagtatravel ako. So far wala naman akong hilo na nararamdaman. And now 3 months na si baby nd healthy. Malaking tulog nito momsh sayo and kay baby
ako pinagamit skn yan 13 weeks nag bleed kasi ako di naman nkaka hilo sis . mga 1 hr ka wag tatayo pag nailagay na yan sayo tapos mga lima o anim na ihi may lalabas na maputing balat . normal yun . ingat po
Ang side effect na nararamdaman ko is parang hirap huminga, mabigat ang braso, gusto nakahiga. Morning at evening take ko sya. mas ok pag gabi kasi nakakatulog ako agad at maayos.
ako po. oral nung buntis ako sa kambal. wala naman po akong naramdaman na kakaiba...unless dahil bedrest na kc ako nun. hoping for your safe delivery 🙏
I can do all things through Christ who strengthens me. Phil 4:13