Breech Presentation
Hi mga mommy! 20weeks & 4days po ako today and nagpaultrasound ako para sana malaman kung makikita na gender ng baby ko. Kaso, it turns out na suhi daw. maghintay pa daw po ako ng 1-2months bago malaman gender depende pa sa posisyon ni baby. Ano po dapat o pwedeng gawin para maging tama ang posisyon nya? Pwede pa rin naman po sya umikot bago ako manganak dba? Medyo worried po ako 🥺 sana po may makasagot. #advicepls #1stimemom #pregnancy #firstbaby
iikot pa po niyan si baby. 22 weeks ko nun breech position si baby. nung 36 weeks ko nakacephalic na si baby. side lying po ginawa ko kadi hihiga and nagpamusic sa bandang puson para daw yung sound sundan ni baby. kung magrerequest OB niyo ng CAS I sugggest na dun niyo nalang din po isabay makita yung gender ni baby and kain po kayo chocolate before ultrasound para active si baby sa loob
Magbasa paako po sis 30weeks suhi pa din, kinakausap lng namin si baby, pinapatugtugan sa may bandang puson, then nagsearch ako nung exercise sa youtube para mapaikot sya sa tamang position.. pagka-32weeks nakaikot na sya and tama na ung position nya..
ginagawa ko na rin po sya ngayon mami. yung pinapakinig ko po sya ng music sa bandang puson ko para sundan nya :) thank you mami ☺️
Aq rin po ngpacongenital anomaly aq ng 26weeks breech pa si baby pero sabi ng doctor maaga pa nmn po ng paulit na po aq ulit ng ultrasound 30 weeks nkapossion na daw po si baby ngaun kahit paano no worries na po ako. Pray lang po lagi at kausapin si baby😊
Kaya po sabi sakin ng OB ko wait ko nlang mag 26-28weeks bago magpa-CAS para malaman na rin ang gender at makita na posisyon nya 🙏🏼
that is still normal mi. 24 weeks palang naman. Usually by 36 weeks iikot pa yan sila. you can watch videos sa YouTube when you are in your 3rd trimester on how to turn baby's head on the optimum through certain techniques 🙂
yes po, dapat talaga sis CAS na ipapagawa ko pero since 20weeks pa lang daw po, sabi ng OB ko magpa-pelvic muna ako para naman daw po di sayang sa budget 😁 wait ko nlang siguro ang 24weeks para sure na talaga na makikita gender. Thank you sis sa response 🥰
Ako din 6months (24week) nagpa gender and breech presentation din mommy pero nakita namn yung gender niya. Regarding sa status nang posisyon nya iikot pa daw yan. Basta yung posisyon mo pag tulog pa leftside
sakin daw po kasi nakadapa kaya po di pa makita gender. Pero sana po next UTZ ko malaman na gender ni baby :)
maaga pa kasi kaya okay lang yan pag asa 7months kana aayos din posisyon niya😊 22 weeks sakin dati breech din pero nung 7months umayos na din siya😊 iikot pa siya 😄
Sana nga po maaga sya umikot para makita na rin namin gender nya 😁
FTM here po. 26weeks sinabihan po ako na suhi daw si baby ko, same position po kagaya ng baby mo. Don’t worry po, iikot pa po yan. Wag po masyado isipin maaga pa po 😅
yun nga po sana talaga kasi gusto ko na rin po sana malaman gender nya. buti po pala hindi pa CAS yung pinagawa ko. next month nlang po siguro yun. thanks po, sana umikot na si baby at magpakita na ng gender 😁🥰
Effective saakin yung Left side lying kapag matutulog mapa UMAGA man or GABI kaliwang side lang ako, then pray po mas malakas ang dasal mi. 🙏🏻
thank you po mami. medyo di po ako komportable sa left side pero pinipilit ko po na kapag nakahiga, lagi akong nakaface sa left side. Opo, praying pa rin po na umikot na si baby :)
Patugtugan mo lang lagi sa puson tapos pag nakahiga lagi lang nakaside, wag titihaya. Ganyan lang ginawa ko 28 weeks cephalic na si baby.
Noted po yan sis. Thank you ☺️
try to sleep on your leftside po yan po kase advice sakin nung OB ko kase 18 weeks breech position din po ang baby ko
Noted mamsh. Thanks po :)