βœ•

Need advice

Hi mga mommies!.Need advice..Here's my situation..Yung panganay ko nasa mama ko, 1yr and 8months n cia.yung bunso ko naman nasa mil ko..8month old cia..Gustong-gusto ko na sila magkasama..gusto ko na iuwi ang bunso ko samin though sobrang alaga naman cia ng mil at sis in law ko.close din ako saknila.pro bilang mommy, sobrang hirap.lage ko iniisip yung bunso ko kasi madala akong nag-i stay samin dhl nga may wifi gawa ng need ko sa work.I am a public teacher, every other day ang pasok nmin.Ang husband ko nagwowork din at weekend lang nakakauwi dhl sa schedule nia sa work..so ang gnagawa ko para both ko makasama kht pano ang mga anak ko, ako ung babyahe papunta sa mil ko tpos after a week uwi ult sa panganay ko.minsan bitbit ko ung panganay ko at dun kami stay sa bunso ko.pro hnd ako makatagal dhl nga sobrang hirap ng signal.d ako makapagpasa ng reports dhl malayo sa kabihasnan ang bahay ng mil ko.kumbaga pabundok cia..Hindi kasi keri ng mama ko na mag-alaga ng dalawa pag may pasok ako lalo at nagtitinda papa ko, tinutulungan nia sa pag-aasikaso.tapos super likot n ng panganay ko.kaya naging decision namin ni hubby si bunso kay mil muna..pero sobrang lungkot ko.ngayon nandto ako sa bunso ko, parang gusto ko n cia isama pauwi.ang sakit sa puso na iiwan ko ulit cia dto.lage ako umiiyak tuwing babalik n ko samin at maiiwan cia..sabi ko sa hubby ko kuha nalang ako mag-alaga kht gang pag-uwi ko lang pro ayaw nia dhl dagdag gastos..may loan p kasi kaming hinuhulugan.pro gusto ko n tlg sila makasama pareho lage.nalulungkot ako sobra at naiiyak😭πŸ˜₯ #advicepls

1 Replies

VIP Member

Hi mommy! Nakakatuwa na you have a village taking care of your babies. Although magkahiwalay pero still naaalagaan ng ayos ang mga babies mo while ikaw naman nagagawa mo yung job mo and you can help your husband financially. Pwede siguro.. videocall muna para di mo din masyado mamiss si bunso. If palipat lipat ka din kase prone na makapagdala ka ng virus at sa panahon ngayon... mahirap magkasakit. Konting sacrifice pa mommy.. if may vacation.. pwede mo muna sunduin si bunso para atleast magkasama sama din kayo. Ang mga babies naman di pa naman yan magtatampo if wala ka madalas. Pagmalaki laki na sila.. ayan.. baka kelangan mo na muna tutukan lalo yung nakakapagtanong na at nakakasagot na.

Trending na Tanong