Tulog ni baby

Hello mga mommies. Yung 4 months old baby ko kasi napapansin ko mas madalas siyang tulog ngayon. Minsan kahit kakagising lang nya, after 10-15 minutes antok na naman sya tapos nagwawala pag di sya nakatulog. Naninibago lang ako kasi lagi siyang tulog. Naiisip ko, ganun ba talaga yun. Para kong nanganganay kasi 7 years old na yung sinundan ni baby 😅 Meron po bang kapareho ng baby ko dito na laging tulog? Normal ba yun or baka may nararamdaman si baby. G6PD baby nga pala si baby ko. Godbless us all. Thank you in advance sa mga sasagot.

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply