Gulat at pag-uunat
Hi mga mommies. Any suggestions/recommendations po para ma-lessen yung pagiging magugulatin at madalas na pag-uunat ni baby? Konting ingay lang po kasi nagugulat na siya, minsan kahit wala naman ingay - kapag inaayos lang damit niya o kaya nakaramdam siya na may gumalaw magugulat na siya. Sa pag-uunat naman, maya't maya basta naaalimpungatan siya nag-uunat siya tapos ang ingay. Minsan wala pang 5 minutes ang interval. Ano po kaya pwedeng gawin para mabawasan? Feeling kasi namin hindi siya normal kasi sobrang dalas talaga.