18 Replies

I had the same experience po. hirap ako magbawas and ang pinakamalala po ay nung start ng 3rd trimester, more than 12 hours po akong constipated, pabalik-balik sa cr kasi parang nakabara lang yung poop kahit gusto ko nang ilabas. muntik na po ako itakbo sa ER. natakot rin ako kasi sobrang inire ko talaga para lang mailabas, akala ko sasama na si baby. pero sa awa ng Diyos, nairaos naman at okay naman si baby. ang pinrescribe po ng OB ko aside from more water, psyllium husk po every morning. hinahalo ko po 2 teaspoons nyan sa juice o tubig during breakfast. oatmeal din po ang bfast ko sa umaga para more fiber. simula po nung consistent ko nang ginagawa yan, di na po ako nahihirapang magbawas. regular po na 1 or 2x a day and no effort na po.

Inom ka ng fresh milk sa umaga after kumain. Ako kasi mabilis maka poop kapag umiinom nun. Tapos yung papaya di gumagana sakin. Mas gumana yung avocado with gatas. At try mo rin yung position mo kapag nagpoop yung nakasandal ka tapos ipatong mo paa mo sa bangkito. Tinry ko yan before nung matigas poop ko ayun lumabas agad after 30mins na pawis pawis na. Inhale through your nose rin and exhale. 😭😂 #struggleisreal

More on high fiber foods ka po mommy, fruits and vegetables po plus more water po everyday and mas maganda po if mag coconut water rin po kayo everyday Ganyan rin po ako dati, super tigas ng poops tapos nag hemorrhoids after🥲, nung nag fruits and veggies ako araw araw plus more water and buko juice umayos naman na sya, minsan umiinom rin ako ng psyllium husk

Gulay lang po and more on water. As much as possible green leafy veggies. Mas marami po dapat ang gulay kesa sa meat every meal. Yan lang po naging solusyon ko ngayon. Di na ako nahihirapan mag release hehe. Team August rin ako mi 💕

Yakult everyday very helpful. Ganyan din ako dumating pa sa point na umiiyak ako kasi gusto ko na madumi. Ang ginawa ko bago 30mins before kumain mag-yakult na ako. Twice a day ako nagyayakult kaya umayos ang dumi ko. 😉 Team August here.

16weeks and 3day na ako pero nakakaranas na rin ako ng constipation ang ginagawa ko umiinom ako ng gatas na bearbrand un naka tetrapack dalawang ganun sa isang araw pag gusto magpoop mabilis lumambot un poop ko.

mag oats kayo fresh milk naka help skin. tapos water parin. kain ka rin ng mga fiber food. leafy veggies and kamote. pero nung ako pinag laxative ako ni ob for 7 days then after nun regular na poop ko

maligamgam na tubig po ginagawa kong water or kung bet nyo po blender po kayo ng pipino na may apple or may carrot wag nyo po tatanggalin yung fiber.Kasama po yon sa iinumin nyo once a day

ganyan po ako before kahit take ng madaming water hirap pa din ako mag poop nag try ko mag amazing Barley everyday nagttake ako ngayon okay na pag dumi every morning na

more on gulay lang po iwas muna sa karne tska mag milk ka po.. 🥰 7months dn ako pero no problem sa pagdudumi.. success plgi hehe

Trending na Tanong

Related Articles