Sustento para kay baby
Hi mga mommies sinu po dito ang single mom na hindi nagsusustento ang tatay since nabuntis? ng malaman kasi nya na buntis ako bigla na syang nagbago,lalo na pareho kami nawalan ng work since March dahil sa pandemic...naubos ipon at 4months ako nalock down sa ibang lugar bago ako nakauwi samin.Naranasan ko din i quarantine habang buntis,dasal na lang din katapat at grabe pinagdaanan ko stress at sa naging situation ko sa lockdow.nakakausap ko naman dati thru text lang at umuwi na sya sa kanila....ngaun ang hirap na kontakin,ni hindi ko din alam kung pano na kami mag ina malapit na ako manganak...problemado ako kasi walang wala ako ngaun...iniwan ako mag isa sa ganitong situation.pwede ko kaya sya kasuhan kahit hindi naka apelyedo sa kanya si baby?pinag iisipan ko na hakbang na gagawin ko bago lumabas si baby...hindi madali pinagdaanan ko pero kinaya nakasurvived,sana makaraos din sa nalalapit na paglabas ni baby...#advicepls #singlemom