2 times Miscarriage

Hello mga Mommies. Sino po dito yung dalawang beses ng Nakunan tapos nagtuloy tuloy na ang pagbubuntis after ng makunan? Ako po kasi Merun na po akong anak tatlong taon na at nabuntis po ako nag 4 months na po kasi that time nagkalagnat ako at Covid symptoms + ang silan ng pagbubuntis ko at nagstop mag develop si Baby hangang sa dinugo ako at nakunan (naraspa na din) (Oct) after a month nabuntis po ako nung Dec, tapos po Hindi ko po Alam na buntis ako that time at nag swimming kami at nakapagslide ako Kasi Hindi naman po ako delay so Nakunan ako nung January 2022 (Anembryonic Pregnancy) then now buntis po ako ngayon 8 weeks na po, nakapag TVS at punta na po ako sa Ob pero babalik po ako sa June 20 pa kasi nung Nag TVS ako early pregnancy pa at pinapabalik ako sa June , ngayon nagtatake po ako ng Folic, Multivitamins, Food supplements, Duphaston at bedrest na din po. Thank you po sa sagot! Pray for us na sana tuloy tuloy na po ang pagbubuntis ko. Amen 🤲🏻 ##pregnancy

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nag blighted ovum ako last year. nabuntis ako noon ng feb pero march dinugo na ako hindi pala nagdevelop si baby kaya hindi na sya nagkaron ng hearbeat. awa ng Dyos after 1 year Feb den dis yr nabuntis na uli ako and going 5 mos na kami ni baby ngayon. ingat ingat po tayong lahat.❤️❤️❤️

3y ago

Awww good to hear Momshie🫶🏻 Stay healthy with baby . Thank you po 😊

once lang Ako nakunan nawalan Ng heart beat Oct Ako nanganak Tapos December nabuntis Ako ngayun 7 months na tummy ko Ingat Ka na lng mommy

3y ago

Thank you po momsh 🫶🏻 Stay healthy po