Ako gumamit nung convertible 3-in-1 na potty trainer. Nabili ko sa shopee dati. Pwede siyang stand alone na potty, pwede din ipatong sa toilet tas may steps siya pag medyo malaki na si toddler, pwede din wala na yung steps yung ipinapatong na lang sa toilet para lumiit yung butas at hindi siya matakot na mahulog sa toilet.
Dpende din kasi pano ang orientation nyo sa pag use ng toilet. Ako kasi nakikita nung anak ko gumamit ng toilet kaya alam nya din paano gamitin. Try also watching videos or reading articles about potty training. I started exposing my son to his potty @18 months. Kusa na siya nag toilet nung 2 years old siya.
Ang mahirap yung sa gabi kaya naka diaper pa din siya up to now.
Magbasa pa