Fatigue and nausea...

Hi mga mommies. Sino po dito ang naka ranas ng mapagod ng sobra kahit wala masyadong ginagawa at nahihilo during the first trimester? Ako po kasi ganun. Currently 6weeks and counting. Hindi pa po ako nakakapagpa check up pero nag positive po pt ko. Ang OA lang kasi ng nararamdaman ko na pagod. Ano pong remedy ginawa nyo? And gano katagal bago nawala ung pagod and hilo sainyo? Thank you. #3rdbaby

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, better get checked na rin para maresetahan ng tamang prenatal vits. Ganyan din ako nung 1st trimester, mabilis mahapo and always sleepy. But I guess it’s different for everyone since every pregnancy is unique. Symptoms didn’t disappear as the pregnancy progresses, when I hit my 9th week, it got worse to the point I was diagnosed with HG. But umokay naman makalampas 1st trimester.

Magbasa pa

Hi mommy! Gnyan din ako nung first tri and normal lng po yan. Dati umaakyat lng ako kahit 3 steps ng hagdan wala pagod and hilo na ako plus panay suka pa. Pero nawala lng din nung kalagitnaan ng second tri ko. Kaya don’t worry po.

Buntis ba ako? 16 days napo akong delayed. Negative ang pregnancy test… pinainom ako ng doktor ng duphaston for one week.. pede na ba ako mag pt ulit????? #pleasehelp #advicepls

Ganyan din ako 1st trime ko. Para akong may lagnat pero pag mag check ako temp normal naman. Over fatigue at naduduwal. Laging hilo.

ganyan din po ako, pakiramdam na sobrang pagod kahit wala naman msyadong ginawa at sobrang antok lagi kahit di naman napupuyat.

normal po lahat yan during 1st tri, pero dapat magpacheck up na din po kayo para nakakainom na kayo ng mga vitamins

normal po mommy, ako din ang lala ng nausea ko ng 5w to 6w. now entering 8w, medyo nabawasan sya ng mga 5% 😅

VIP Member

Hi mommy. Congratulations po! Dont worry normal lang po lahat ng nararamdaman mo na yan.

3y ago

Thank you so much mommy. Habang nadaan ang araw nababawasan sya kahit papano. God bless po and thank you po sa pagsagot 😊

VIP Member

Karamihan po pagkalipas ng 1st at 2nd trimester magiging okay na po kayo .

Normal lang po sa buntis lalo nat nasa 1st trimester ka palang.