Hi mga mommies, share ko lang yung pinagdadaanan ko ngayon, im currently 7 months pregnant.. I have a partner.. 2 years na kame.. I know nitong past few days palagi kame nag aaway.. Ndi ko alam kung dala lang ito ng pagbubuntis ko kaya konting bagay nagagalit ako sakanya.. So umuwe ako sa bahay ng mama ko para dun mag holy week. Siya naman nasa kanila kase maglilingkod siya sa simbahan nila.. So sabi niya busy siya kaya ndi siya masyado makakatext saken at di den niya ko mapupuntahan.. So kahapon, nag aaway paden kame sa text.. Cold replies, ndi na niya ko sinusuyo.. And i ask him sunduin ako sa work, para makapag usap kame, pumayag siya.. Eto na oras na para sunduin ako.. Ndi siya dumating.. Daming call & text no answer, so nag decide ako puntahan siya sa bahay nila.. Pagdating ko sakanila.. Mga kapatid niya bumungad saken so tinanong ko asan si __ name niya..
Tulog po sa loob.. So pasok ako dere derecho.. Totoo naman tulog siya pero nakainom kaya ansarap ng tulog. Nakita ko phone niya.. Chineck ko agad.. And yun kita ko.. Ay katext siyang iba.. :( i read their conversation.. Ibang name naka save sa phone niya.. I see how he updates kung ano nangyayare sakanya at mga landian nila.. I cried. Ndi ko napigilan.. Akala ko dun na matatapos yun.. Pag check ko nung browser niya naka open yung fb account ng ex niya.. Bale pangalawang beses na tong nahuli ko siyangag cheat saken nung una sa ex niya eto na naman yung ex paden niya na to yung naoa open sa browser niya yung fb. Binuksan ko punta agad ako sa message.. And i see dun sila nag uusap.. Fb nung ex niya ginagamit niya.. Updated den may mga pictures pa nga with sweet messages.. Halos madurog puso ko.. Should i stay or should i let go mga mommies? I cant sleep. Gusto ko malaman yung tamang gawin ko.. Hirap na hirap na ko. Sobra na yung iniyak ko. I feel so alone.. What should i do?