1 Replies

Ipa-try po sa maiiwang tagapag-alaga ang cupfeeding para maiwasan ang nipple confusion. If pumped bm ang ipinapainom, 1.0 - 1.5 oz lang po for every hour na wala si mommy ang kailangang consumption ni baby, then direct latch na after dahil magbabawi so baby ng milk. Mahirap sa umpisa pero maga-adjust naman si baby kapag narealize nyang wala talaga si mommy. Need lots of patience para sa maiiwang tagapag-alaga ☺️ Cupfeeding video: https://youtu.be/OkhSJ16FHfY?si=Lcy807mzblT0urIr Cupfeeding si lo ko since magback to work ako after my maternity leave. Hindi ko naman sinanay nang maaga or anything, nag-adjust na lang sya nang kusa, and pasalamat ko na rin sa nanay ko na nagtyaga. After 1 week, expert cup feeder na sila pareho 😁

Trending na Tanong

Related Articles