Positive Covid Pregnant

Mga mommies patulong naman po. Ano po ba dapat gawin o inumin para maging negative ako sa covid? 😩 Nagpositive kasi ako una sa rapid test at after 10 days nag swab test ako pero positive parin ngayon lang ang result lumabas 😭. 9 months preggy na ako ngayon. naka isolate ako ngayon sa quarantine facility sa aming province. di nga ako halos lumalabas dito eh. akala ko magiging negative na ako ngayon 😣umiinom lang ako ng prenatal vitamins ko tsaka citron tea. tapos minsan lang ang salabat. kumakain din ako ng oranges. ano pa ba pwedeng gawin? wala naman akong ubo't sipon po. natatakot kasi ako uminom ng ibang gamot eh. ayaw ko rin na manganak ako na covid positive πŸ’”. another swab test ko naman ngayon june 9 po. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #pregnancy

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy hanap ka ng immunpro na vitamins. usually yun pina-take sa nagppositive sa covid. vitamins lang sya so wala namang masama dun. nung preggy ako nag-take ako ng ganung vitamins though wala akong covid pero kasi na-expose ako sa nag-kacovid yung buong whole family ko. vitamin c sya with zinc, yung zing kasi pang-paboost din ng immune system yun. 😊

Magbasa pa