1 Replies

VIP Member

Hi. I'm FTM to 2months old baby girl. 1. Damit - bumili ako ng white tieside (choking hazard yung buttons) 6pcs sleeveless, short-sleeves, long-sleeves, shorts, pajamas, mittens, booties, bonnets, bibs, binders, lampin, 1 pc receiving blanket. Pero nagamit ko lang kay baby ay, shortsleeves, longsleeves, pajamas, mittens, booties, at 1 week ko lang nagamit ang bonnet at kapag may check-up. Ganon din sa receiving blanket sa hospital at tuwing lalabas ko lang nagamit. Hindi na advice ng hospital na gumamit ng binder para sa pusod ngayon kaya hindi ko nagamit. Tapos yung bibs, hindi pa siya nag du-drool kaya hindi ko rin nakagamit, pero baka magamit ko na kasi nagi-start na siya mag drool pakonti-konti. 2. Feeding bottles : bumili ako ng 2pcs of 2 oz, 4 oz, at 8 oz. Pero nagamit ko lang yung 2 once, kasi nag breastfeeding ako. Dala ko din yung 2 oz na yun sa hopital. 3. Diaper: Marami, tsaka wipes at nappy cream. 4. Pampaligo : tub, net, 3 pcs towelette (parang receiving blanket na my hood pero towel siya medyo makapal). 3 pcs kasi natataihan ni baby minsan after maligo, baby shampoo & baby liquid soap. 5. Sleeping : Bumili ako ng crib (bundle na siya may kasamang mattress at mosquito net) Mahal! pero sulit, para sakin ah. Lalo na yung pwedeng co-sleeping na crib. Kasi malikot asawa ko matulog hindi ideal magbedshare. Bumili din ako ng muslin blanket, pang swaddle kay baby. 6. Others: Bumili din ako ng cotton at ethyl alcohol (hindi pwede isopropyl) pang linis ng pusod ni baby. Cotton buds para sa kulangot niya, masyadong malaki yung pansipsip.

Trending na Tanong

Related Articles