15 weeks 6 days

Hi mga mommies pasintabi po share ko lang po sana makagraduate na ko pagduduwal ito talaga ung hirap ako kasi my times na naduduwal after ko kumain pero my times naman na grabe suka na lahat 😓 tapos gutom nanaman ayaw lang ba ni baby ng mga kinakain ko feeling ko kasi hindi ko malaman kung ano talagang gusto ko kainin naranasan nyo din po ba ung ganun na parang wala kayong pinaglilihian. #worryingmom #firsttime_mommy

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same sis! 17 weeks nko. Umasa ako sa mga sinabi nila na pag pasok ng 2nd trimester e magiging ok na. Ang hirap. Nakaka depress. Wala akong makasundo na ulam. Tapos pasintabi rin, pero diba parehas lng masakit sa lalamunan pag sumuka ka ng may laman versus sa walang laman. Oo masakit sa chan pag yung bile/sikmura na sinusuka mo, pero pag yung may kinain ka naman at yun ang isinuka mo, grabe rin ang sakit sa lalamunan. Ang pait pait pa pag sumusuka :( inggit na inggit ako sa mga kasabayan ko na buntis na walang kaselan selan sa pagkain. Ang hirap kumain :( tapos ang hirap rin naman na hindi mo pilitin kumain kasi need mo uminom ng vitamins para sainyo ng baby mo, pero maiiyak ka nlng pag maya maya isuka mo lng rin :( yun tipong mapapaisip ka kung tama pa ba sustansya na nakukuha ng baby mo, kasi ikaw mismo pakiramdam mo wala ng sustansya :( puro pag cheer ang mga sinasabi/sinasagot ko nuon dto sa group pero ngayon nakaka depress na. Nabanggit ko sa ob ko ito, magaling naman ob ko. Pero nung sinabi nya saakin na baka hanggang manganak nlng raw ako e ganito parin, susuka parin daw ako, lalo ako napag hinaan ng loob.

Magbasa pa
4y ago

Wag naman sana sis, sabi nga nila 2nd trimester mawawala hoping din ako same tayo ung kasabayan ganyan din wala nmn kaselan selan 😞