WALANG KWENTANG TATAY/AMA

Mga mommies pahingi po ng advice, i’m a first time mom 18 weeks pregnant. Sobrang hirap na hirap po ako sa sitwasyon ko, we’re both 21 years old and unexpected pregnancy po ito. Pero kahit ganon mahal ko na po yung baby ko and papanindigan ko siya, saliwa’t naman po sa ama niya. Hindi ko po nakikitaan na may pake siya sa magiging anak namin, halos ngayon po wala pa din siyang balak sabihin sa mga magulang niya. Madalas po dito ako nag iistay at natutulog, lumalaki na po yung tiyan ko pero wala pa din siyang plano kundi lagi niya lang sinasabe na itago ko daw, mag ingat daw dapat kame na di malaman, pati mga sinusuot ko pinapakiaman niya na para lang hindi mahalata. Minsan nakikita ko kung pano siya tumingin sa tiyan ko at para bang irita siya, sinama ko siya sa last ultrasound ko at pinapasok siya. Akala ko mag babago pananaw niya once na makita niya na buo na talaga si baby and gumagalaw na, pero parang wala pa din. Gusto ko magkaroon ng buong pamilya, pero walang plano at pagbabago yung partner ko, puro pa din siya kalokohan at para bang walang responsibilidad na padating. Gusto ko na po siya hiwalayan, kaso hindi ko pa po kaya dahil sobrang mahal ko siya. Pero wala na po akong nakikita na plano niya sa future namin, ano po gagawin ko? #pleasehelp #firstbaby #pregnancy

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Once you’re a mom, you will realize na hindi lang lahat puros puso. Kelangan mo din gamitin ang utak. You are 18 weeks pregnant and super stressed sa partner mo. Di yan makakabuti sa baby mo. Di maganda sa buntis ang nasstress. Best way dyan ipaalam nyo sa parents nyo and from there you can decide if he’s worth it or not.

Magbasa pa