Feeding Problem
Hello mga mommies! Pahingi ako ng advices niyo! My case kasi is that my baby was already fully switched to formula when she's 6 months old. But ngayong 1 yr. old na siya, dumedede-dede ulit siya sa akin tapos parang main source na niya ulit ako ng milk kahit wala na akong masiyadong nilalabas na gatas. It has been going on for months already. Nahihirapan ako kasi magmula no'n, gusto niya halos nakababad lang breast sa kanya kapag natutulog kundi magigising at iiyak. Kasalanan ko rin kasi ginawa kong pampatulog niya 'tong dede huhu. Ang sakit kasi sa nipple parang hihiwalay, tapos mas naging iyakin siya mula noon. Mas malala siya kapag nagpapangipin o kaya may dinaramdam. Alam ko naman na sacrifice ko na sana 'yon bilang isang ina pero halos hindi na ako makatulog sa gabi. Lalo't magbabalik-eskwela ako nitong Sept. I desperately need your advices po! Thank you!