Mga mommies pa-share naman ng tipid tips ninyo. Pwedeng sa food, electricity, dine out and others.

( 2:3 ) Hindi rin kami mahilig makiuso. We buy needs before wants. Sa shopping, I take full advantage ng mga vouchers sa mga online shops. Hindi rin kami maselan sa mga gamit. May mga maayos and matibay naman na gamit na mabibili sa mga garage sales, japan surplus stores and chinese malls. Sa mga vacations, we book 1 or 2 years earlier hehe para cheaper pa yung mga rates. Also watch out for promos. And we only do this to celebrate special family occasions. May mga alkansya rin kami hehe. Yung mga coins sa wallet at bulsa namin ni hubby at the end of the day goes to our alkansya. May pang piso, pang singko, pang sampo at centavos tpos matutuwa ka kapag unti unti mo na sila napupuno. Every 1st week of january ko lang binubuksan sila tpos deposit agad sa bank for safe keeping. Oh and try mo, ialkansya yung mga 200 bills mo hehe ang bilis makaboost ng savings. Nakakatuwa nga kasi yung Mom ko pala ginagawa din to since nung unang lumabas yung 200 bill hehe ^
Magbasa pa