Mga mommies pa-share naman ng tipid tips ninyo. Pwedeng sa food, electricity, dine out and others.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

(1:1) Sa bahay, we use aircon kapag mainit lang talaga or madami kami. Hindi naman kasi mainit sa bahay hehe we designed the house na presko, hindi tutok sa init ng araw yung mga rooms, malaki mga bintana and may mga airways, to minimize electricity consumption sa light and fans. Yung mga lights din namin, lahat LED, and yung tv, tpos yung mga grabe magconsume sa kuryente na appliances like aircon may inverter. Pinagiipunan din namin na magka-solar panel. We seldon eat out. Take home kapag may sobra. Hehe. Hanggat maari sa bahay kami kumakain, gusto ko kasi na pinagluluto ko yung family ko. Yung hubby ko naman, pinapabaonan ko ng cooked lunch. Gustong gusto niya rin naman kasi feeling niya daw alaga siya hehe. Para makatipid din, tuwing "saod" ako bumibili ng ibang mga kailangan sa kusina namin. Saod yung tawag ng market day samin, araw ng bagsakan ng mga gulay, prutas etc. mas mura kasi. Tpos sa mga wholesale grocery stores ako bumibili ng groceries, once every month by pack and boxes ako bumili kasi mas mura, nagleless yung price kapag wholesale. Check the expiration always para di masyang. Bago pa ko umalis ng bahay may list na ako ng mga kailangan bilhin to avoid buying stuff na di pa keri ng budget. Basta maayos ka naman magbudget ng money mo, magaan lang yung ganitong paraan. ^

Magbasa pa