Lola na pakialamera
Mga mommies, pa rant nga po or pahingi ng enlightenment. Ako po ay isang ulilang lubos na, lola ko po ang nagpalaki sa akin. Yung lola ko po ay 88 years old na, naka wheel chair nalang. Mula po noon, hanggang ngaun na may asawa at dalawang anak na ako (buntis po ako sa pangalawa), lagi nya akong pinakekealaman. As in wala po akong pwedeng desisyon na gawin para sa sarili ko. Pati po ung kakainin ko, o nung anak ko, sya yung nagdedesisyon. Gusto nya, palagi syang nasusunod sa buhay ko. Pinagbibigyan ko naman po, kasi syempre, matanda na nga. Iniintindi ko nalang po. Kaya lang, sobrang fed up na ako sa ugali nya na lahat lahat ng bagay wala akong say. Kulang nalang pati pag dumi ko, idikta nya saan at kailan ko gagawin. Gusto ko na po syang iwan dito sa bahay, kasi madami naman syang apo, or mga anak, kaso may mga sari sarili na silang buhay. Ako lang talaga ang pwede nyang makasama. Kaso papaano naman ako at yung pamilya ko? Mabuti na nga lang at sobramg tyaga ng asawa ko sa kanya. Pero ako, sobrang punung puno na. Nangyari lang po ito kanina. Nagpaluto ako ng gulay na ulam sa kasambahay namin, tapos pinagalitan nya kasambahay namin na wag daw un ang iluto at once iluto daw, itatapon daw nya. Naiyak nalang po ako sa sobrang sama na ng loob sa kanya. Haaaay