Medicines

Mga mommies okay lang kaya ung sa entire pregnancy madami ako nainom na gamot? Prescribed naman siya ng OB ko. Una kasi nagka dengue ako so nakainom ako ng mga biogesic sa hospital. Tapos may uti ako so pinagtake ako ng cefuroxime siguro mga 10 pcs. Tapos bumaba potassium ko kaya may pinainom din sakin na meds dahil dun. Tapos may time na nagkaLBM ako uminom ako ng ranitidine. Mga 5 to 6 pcs. Tapos hindi pa nawala ung uti ko kaya binigyan ako ng ob ko ng panibagong antibiotics nanaman 21 pcs siya. Kaso hindi pa rin nawala. So panukala ko bibigyan nanaman niya ko ulit next visit ko saknya. Okay lang kaya na sa entire pregnancy madami tayo naiinom na gamot dahil sa sakit natin sa pagbubuntis? Hindi kaya masobrahan at maka apekto ito kay baby? Sana may makasagot sakin. Nag aalala ako. ?

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Okay lang naman yan kung si OB na mismo nag advise. Wag na makipag matigasan sa doktor dahil di naman sila magbibigay ng gamot basta basta lalo pa't buntis ka. Kapag lumala yung sakit dahil ayaw uminom ng gamot at nanghina ang katawan mo mas makaka apekto pa yun kay baby. Trust your OB dahil sya lang makakatulong sayo hindi ung pag se-self medicate ng iba dito

Magbasa pa
5y ago

Edi if you're not trusting your ob edi mag iba. Like me, nirerrsetahan ng mas mahal kahit may generic naman. Name lang ng products nila para di mahanap sa generic kasi iba name. Malalaman mo naman yun kung sigurista kadin.💁🏻

VIP Member

Mamsh, magagamot ang uti mo kung sasabayan mo din ng pag inom ng madaming tubig. Kapag gumaling na, tuloy pa din sa pag inom ng maraming tubig para di na bumalik. Kung lbm naman, try mo mag gatorade, nakakatulong din yon. Basta tulungan mo din sarili mo ng hindi ka na uminom ng madaming gamot

5y ago

Kasabay po kasi ng LBM ko ang sobrang pagsakit ng tiyan to the point na akala na ng ob ko eh may gallstones ako. Kasi 1week ako pbalik balik skanya. Kaya po napa inom ako ng ranitidine.

Basta prescribed po ng ob safe po. Madaming gamot po ang pang buntis tlga including antibiotics. Mas delikado pag d nagamot ung dinaramdam ng preggy kasi pwede mapunta kay baby like UTI. May babies na pagka panganank nila may uti na kc nahawa kay mommy.

5y ago

True sis. Mlakas naman ako mag water eh. Pero di ko alam san nang gagaling uti ko 😔

Eh, sa dami ba naman ng impeksyon mo sis talagang kailangan mo niyan. it'll not harm your baby kaya ka nga binibigyan ng gamot to prevent na lumala at mapasa kay baby. Ako nga 30 capsules pa e.

inom nalang ng maramung tubig at buko juice ako kasi yun nalang ginawa ko dahil natakot na ako mag inom ng antibiotic para sa uti kaya tinatry ko natural ways, less salt and more water 💕

5y ago

Madami naman ako mag water mamsh pero di ko maintindihan bakit nandito pa rin 😔

Eh, sa dami ba naman ng impeksyon mo sis talagang kailangan mo niyan. it'll not harm your baby kaya ka nga binibigyan ng gamot to prevent na lumala at mapasa kay baby. 💁🏻

Ako nga Momsh, kakatapos ko lang ng medication ko ng UTI nung nakaraang araw, feel ko ngayon my UTI na naman ako. Hay nako saan ko kaya nakuha to eh naka bed rest lang naman ako.

5y ago

Inom ka nalang ng madaming tubig sis. Kahit ako di ko alam san ko nakukuha mga sakit ko haay

Possible na may sakit si baby paglabas . Like uti or sepsis dahil sa nagkasakit ka habang nagbubuntis. Pero pray lang na healthy si baby paglabas.

Ako din po may UTI kaya binigyan din po ako ng ob ko ng cefuroxime.pero hindi ko parin maiwasan na mag worry kahit prescribed ng ob ko.

VIP Member

Kung prescribed ni OB hopefully walang any side effect. Pagaling ka mommy. Eat more healthy foods na rin