Kinikiss ng Helper ang Baby Namin

Hi mga mommies. Ok lang ba sa inyo if kinikiss ng yaya (na hindi related sa inyo) ang inyong baby? Sa cheeks, minsan sa lips. Ewan ko pero pag nakikita ko na ginagawa to ng yaya, nagagalit ako. Nag iinarte lang ba ako? 1 year old na si lo. #firsttimemom

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

normal lang po siguro nararamdaman ninyo. kahit ako nung bagong panganak ako kinikiss ni lip si baby sa lips, sinaway ko siya na wag sa lips. sabi niya bakit daw e ilang beses niya na daw kinikiss si baby sa lips saka nakita daw niya mama ko na kinikiss sa lips si baby. sabi ko bat niyo kiniss ni mama sa lips,ako nga diko kinikiss sa lips yan saka naninigarilyo ka di kapa totally umiiwas sa yosi,baka mapano ang bata,pwede kiss sa pisnge o noo,pisnge lang din ako nakiss kay baby. Ayun simula nun di na niya ginawa. Kahit ako siguro magagalit if hinalikan sa lips ng ibang tao yong baby ko

Magbasa pa

kahit nga po kamag anak at kapatid ko pinag babawalan ko g humalik sa baby ko. lalo na po kung hindi kamag anak. maraming nkukuhangbsakit ang baby sa pamamagitan ng halik lalo na kung sa lips. kahit nga ako mismong mommy nya pinipigilan ko ang sarili ko lalo na kung alam kong may sakit ako, pawis ako, hindi pa ngttooth brush o kung nd pko naliligo. hindi ko hinahalikan ang anak ko. hindi sa kaartihan po iyon. tayo po ay nag iingat lang. mahirap na mas magsisi tayo kapag nagkasakit ang anak natin

Magbasa pa

Hala siyempre momsh hindi ok, kahit nga kamag anak natin diba di pwede ikaw ang baby lalo na sa lips, kahit tayo na magulang na bawal yun lalo na sa lips kasi tayong matatanda na eh may mga bacteria na sa katawan natin na di kayang labanan ng katawan o resistensya ng baby, naku momsh kung may mhahanap kang ibang yaya palitan mo nlang siya kasi koag pinagsabihan mo yan siya bka msamain pa, just saying lang nmn po

Magbasa pa

Yaya okay lang ba na makausap ka. nakikita ko kase na kinikiss mo sya sa lips naiintindihan ko ang cute kase ng baby pero para sakin ayaw ko na sa lips. gusto ko maging maingat tayo para lumaking healthy si baby. wag ka magtatampo ha. basta un lang naman ang gusto ko para sa kanya "----- okay na po ba ung script ?

Magbasa pa
2y ago

pwede na yan mamsh haha para atleast alam nila yung ayaw mo

Yung anak namin na lalaki mula nung 1 year old na lage ngkikiss sa lips ng mga dalaga na kumakarga skanya. Nagugulat nlng mga dalaga kasi kinikiss sila sa lips. Pati ung yaya namin. Okay lng naman samin kasi inaalagaan naman sila at parang shinishare lng din ng anak namin ung love nya sa mga tao na ngaalaga skanya.

Magbasa pa

nubayan si yaya! dapat yaya sila malinis sila sa baby tapos ikikiss nila?? tayo nga magulang sapat na amoy amoy lang Kay baby kahit gusto natin ikiss sila ng ikiss.. lalo na sa panahon ngayon madami pwede makuhang sakit.. kausapin mo ng mahinahon si yaya.. sabihin mo hindi pwede ikiss si baby..

Pero kung hindi ba 1 year old si baby, hindi ka din papayag na ikiss siya ng yaya? Kasi kung ang reason mo is dahil maliit pa siya pwede mo naman sabihin ng maayos sa kaniya. Pero di ko ma gets yung pakiramdam na nagagalit.

Pag sabihan mo momsh. Ako nga di ko hinahalikan sa lips anak ko eh. Noo lang at pisngi, nakakatakot kasi. Mahirap magkasakit ang baby, lalo na at hindi pa nila masasabi ano masakit sa kanila.

TapFluencer

pagsabihin mo po sis, kasi di rin maganda na hinahalikan ang baby, mahina pa po kasi immune system nila. baka mamaya eh mahawaan pa si baby ng kung anong sakit po.

hindi po, kht sa mga pamangkin ko o sa mga anak ng friends ko sa dmit ako nahalik like pajama o sa shorts tas nka close lips ako para walang laway...mhrap na kawawa ang bata