21 weeks and 1 day

Mga mommies normal lang po ba na tumitigas si baby? Medyo masakit kasi kapag sobrang tigas. 4 months pregnant here.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

4 months nadin ako. Same tayo sis, always tumitigas tyan ko tapos sabay sakit pa kaya nagpacheck ako kay doc, niresitahan niya ako ng pampakapit, 2 gamot rin yun. Di raw normal na tumitigas ang tyan.

Hindi po normal ang paninigas ng tummy na may halong sakit lalo na at 4months ka plang. Sabihin mo sa ob mo yan. Baka resetahan ka ng pampakapit or baka may uti ka.

Di po yan normal sa 21 weeks pa lang. Magsabi ka po sa OB para maresetahan kami pampakapit. Ang Braxton hicks ay sa 7 months pataas pa nararamdaman dapat.

Savi ng ob hindi daw normal paninigas ng tiyan lalo na kung hindi mo pa duedate, better pa check ka sis sa ob mo kase sign ng early labor yan

Same here till now 6mos na tsan ko naninigas padin. Sabi nman ni Ob normal lang basta wag lang ung humihilab. Pero ask mo padin ob mo po.

21weeks 4 months bayun sis? 16weeks to 20weeks lang 4months dba? 16weeks and 1 day ako ngayon 4months nadn. Baka 5months kana

Kung 4 months plg, sa akin kase di ko sya nafeel na ganyan nung 4 mths pko, so better ask ob po just to make sure ah

tumitigas meaning contraction? check freq and if you think not usual or normal, go to your ob

Minsan tumigas sya nung d kami nagkaunawaan ng tatay nya at ang sama ng loob q.

Sa 4 mos. Hindi pa momsh. Usually dapat yung mga 8 to 9 mos pa yan.