Send some advise please 🥺🥺

Hello mga mommies, nagwoworry ako kasi ecq na naman at teleconsult na naman ang mga OB. Dba may mga bakuna para sa buntis? Naka isa na ako and di na nasundan. Puro postponed. And malamang di na naman nasundan. Sinipon kasi ako, e dba pag runny nose tiyak naman na parang lalagnatin ka? Sabi ng OB ko baka daw covid 19. Agad agad? 🥲 kelangan pa raw swab. So pano na yung regular check ups. Pano na si baby? Going to 6 months pa lang nman si baby, pero nagwoworry ako kung saan ako manganganak. Sa private hospital kasi ako nun nagpapacheck up. Balak ko manganak sa public. Pero pag nababasa ko mga naranasan ng ibang mommy 😔. (Buti sana kung libre swab, may trabaho ako pero di ganun kaganda kita) Taga Panghulo Malabon po ako. If may alam kayo na OB or hospital na di aabot ng 50k ang panganganak. May philhealth naman ako. 🥺 Nasstress pa ako sa asawa ko nahahaluan na ng anxiety. #1stimemom #advicepls #pleasehelp

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa barangay nyo po ba walang libreng swab? Mas okay sa private manganak ngayon, momsh. Kung magnormal ka naman malaki yung chance na di ka umabot ng 50K since may Philhealth ka naman. Kasi ako private via CSD, 50K binayaran ko less Philhealth na yun.

4y ago

Start na po kayo magcanvass. Or mag-ask po sa mga tagakakilala nyo na tagalugar nyo po para may options po kayo.