Sideview
Mga mommies, madalas po mag-sideview matulog ang baby ko. Okay lang po bang all through out ng tulog niya eh naka-sideview? kahit ayusin ko siya, kusa siyang nagpapagilid. 28 days old pa lang po si little one ko
Mukhang sa pwesto po na yan komportable si Baby. Hayaan nyo na lang po. Maganda din yan para hindi pawisan likod. Pero ilipat lipat nyo don po sya kasi baka hindi magpantay ulo nya if lagi sya sa isang side nakapwesto.
same tayo mommy ganyan din si lo mas kumportable sila matulog kahit ano ayos ko sabi ng pedia ko basta wag lang matakpan mukha bantayan lang din
Wag mo pabayaan mommy.... ung ulo nya mafflat sa side na lagi sya nka posisyon... qng gusto nya tlga side try mo left and right para balance^^
Yes. On the first 2-4weeks of my baby, she always does the 'side lying position. I don't know why but she's more comfortable on that position.
Huwag mo pbyaan kc ung ulo nya d mapapantay katulad ng bby k dati mabuti nlng naagapan nayupi ung kbla dhil s permanente n position s paghiga
Baby ko. Pag gina change position ko yung ulo.. binabalik niya ulo niya sa dating position.. 1month and 14 days na..
Ang galing naman kaya na nya ang katawan nya sign daw po yan na healthy si baby kapag kaya nya yung katawn nya
ang cute ni baby... same sila ng panganay ko before... ganyan din.. nakaHUG pa yun sa hotdog pillow niya
Hi mommy. 😊 Hindi po. To avoid the risk of SIDS. Mas maganda munang pahigain si baby sa back po muna.
hala same sa baby ko 29 days sya. mas feel nya yung side view na position. mas matagal yung tulog nya