Hello mga mommies, my lo is 3mos old and im a Ftm. Naiinis lang ako sa mother ko kasi everytime na iiyak si lo ang dami nya kuda, lalo na etong may sakit si lo. feeling ko kulang na lang sabihin niya sa mukha ko na wala akong kwentang nanay di ko mapatahan anak ko. Sinasabihan niya pa ko ipa ampon ko na si lo kung hindi ko kaya alagaan. Minsan kapag naglalaro sila ni lo nakakapag salita siya ng pang asar na words against sa tatay ng anak ko (hiwalay na kami at not in good terms) tapos minsan sinasabi nya din kay baby kapag kumakaen or maliligo ako kesyo “si mommy mo kasi bagal kumilos, bad yan iniiwan ka, etc). Halos lahat ng gawin ko may kontra siya mula sa oras ng paigo ni baby, ano vitamins or gamot ang inumin, kelan magpalit ng diaper, kung jnaantok or gutom ba si baby) para bang hindi ko alam ang ginagawa ko sa anak ko kung magsalita siya.. good terms naman kami ng mother ko nagkaka inisan lang kami pagdating sa pag aalaga kay baby. Hindi ko alam kung tama ba yung nararamdaman ko o dala lng emotions ko pero kasi na ooffend talaga ako, to the point na gusto ko bumukod kami ni baby. Pero ayoko naman siya iwan mag isa, baka maisip pa nya na nagmamalaki ako (samantalang kaya ako nabuntis dahil sa kapusukan ko.. pero di nanpo ako bata, 28 na ko. Na inlove lang sa maling tao) . Haaays sana kaya ko nlng ideadma ng basta mga sinasabi nya peri di eh, na ooffend tlga ako di ko alam kng bakit.. yun lang. ?