Ang sakit malaman...

Hi mga Mommies. Kung natatandaan niyo po or isa po kayo sa nakabasa ng story ko, ako po yung nag post na Anonymous na namatayan ng 34weeks Baby neto lang May 21 at nalibing na po nmin nung May 24. I need advice po sana ? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko maibabalance yung nararamdaman ko. Yung time po kasi na nalaman nming wala ng heart beat si Baby niyakap at lumuha si Hubby sa harap ko at pinapakalma niya ako. Pero nung umuwi na siya para kumuha ng mga gagamitin ko sa Hospital nalaman ko sa mga Kapatid ko na pag dating niya sa bahay ang lakas ng hagulgol niya sa kwarto namin ? Pero kapag kaharap niya na ako pinapakita niyang malakas siya para sakin kahit alam kong sobra sobra din siyang naapektohan kasi ilang weeks na lang sana malapit na due date ni Baby pero nawala pa siya ? Naaawa ako kay Hubby kasi samantalang ako hindi ko maibigay yung comfort na kailangan din niya ? kasi sa ngayon hndi ko pa kaya gabi gabi pa din ako umiiyak. Lalo akong nasaktan nung nakita kong dndrawing niya yung Anak namin sa phone niya ? yan po sa mismong pic yung drawing niya. Kamukhang kamukha niya Anak nmin halos lahat nakuha skniya, Mata lang yung sakin. Kanina pag pasok ko sa kwarto bigla niyang hinarang yung unan sa mukha niya, nung kinuha ko skniya nakita kong lumuluha nnman siya ? pero tinatanggi niyang hindi kahit kitang kita ko naman. Ang swerte ko kasi sobrang maasikaso niya kahit puyat siya sa work gigising siya para lang maka kain ako sa tamang oras at maka inom ng gamot. Pero ako hndi ko pa alam sa ngayon kung paano ko siya matutulongan. Paano nga ba! ??

Ang sakit malaman...
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganoon tlga sis ang mga husband, ganyan din ngyari sa amin..nawala firstbbaby nmin nitong april 8 lng at 5 months, we only have the two of us kya imagine the dilemma na kinaharap nmin, namatay ang anak ko pgkapanganak ko tpos ang tagal ko bago nagcing after ng ecs ko but he had to bring our baby sa funeral house.hindi nya alam pano hahatiin ang katawan nya sa aming mag ina..alam mo ung feeling na nawalan kami ng anak, ung takot na baka hindi na daw ako magcing pero kailngan nya ako iwan sa ospital kc kailangan nya asikasuhin c baby ( we never had a chance to hold a wake for our baby) tpos nagluluksa din xa pero kailangan nya kumilos kasi wala kami ibang maaasahan dhil nsa province ang family nmin at hndi kmi mapunthan bcos of lockdown. Iyak ako ng iyak sa araw araw na lumilipas at ung asawa ko plgi nkabantay skin kc d ako pwde mstress or umiyak ng sobra kc bka mabinat ako, tapos xa pipigilan nya ang sarili nya umiyak pero sa twing kausap pla nya ang parents nya at pti parents ko, dun xa humahagulgol ng iyak.. i thought he was doing ok kc he was acting normal until ilang days later, dun pa lang xa nagkakaroon ng reaction. There was one time sabay na kami umiyak kc we couldnt contain it anymore at hanggang ngyon na mlpit na mag two months, my moment na bigla na lang xa iiyak.. ako plgi p din malungkot at sa araw araw na gumigcing ako, palgi ko iniicip pano ko na nman tatapusin ang isang araw na hndi ako mssktan..hindi ako mkaiyak na sa harap ng asawa ko kc feeling ko ako nmn ung dpt mging strong pra sa aming dlawa What i am trying to say mommy, is that there is no cure in the pain of losing our children, we do not move on but we only move forward. At walang comforting words ang magcocomfort stin. Kaung mag asawa lang din ang mkakatulong sa isat isa pra mkabangon..u have to be strong for each other. Kami ng asawa ko plgi mgksma ngayon, we nurse each other’s heart. At linggo linggo nagpupunta kmi kay baby. Sumali din ako dun sa group sa fb na premature birth philippines support group. Mrami din ang katulad ng cases ntin, it helps.

Magbasa pa

mas okay po siguro kung sabay kayo magdalamhati at umiyak. Para alam nya na anjan ka para sa kanya. Magtulungan po kayo makamove on