24 weeks LowLying placenta

Mga mommies. Kakatapos ko lang ng CAS ultrasound and sabi Low Lying Placenta may pag asa pa ba magmove up ung placenta para maasahan ko ding mag NOrmal Delivery? 🥺🥺

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

what does it feel po if you have low lying placenta?

2y ago

Low lying placenta vs previa pa ako since hindi pa masyado malinaw sa ultrasound. Parati lang akong may spotting since 5weeks tapos nagbleeding nalang ako around 15 weeks 2x and admit sa hospital. Wala akong ibang nararamdaman, may one time lang na masakit iyong balakang ko pero iyon lang bukod sa spotting ko. Iyon din ang problema kasi wala kang pain na mararamdaman, mapapansin mo nalang nagbleeding ka na. Hindi ko rin nararamdaman na nagcocontract ako pero nag-open slight iyong cervix ko tapos medyo malambot nung na EI ako.