Badly need relationship advice 😭

Hello mga mommies, I'm first time expecting mom, 3 months preggy. Nabuntis out of wedlock and not planned, kailangan ko po talaga ng advice sa relationship namin ng partner ko. Ang hirap kasi na hindi kami live-in kaya bihira lang kami magkita. Tapos madalas pang hindi siya mag message o mag reply man lang lalo na pag "busy" daw, na halos araw-araw namin pinagaawayan. May tiwala naman ako kaso may history na kasi siya ng pangbababae. Ayaw ko naman direktang mag tanong o mag hinala dahil mauuwi na naman sa away. Ano po sa tingin niyo dapat ko gawin? Baka kasi nakakaapekto na sa baby yung sobrang stress ko, hindi ko na alam gagawin :( #advicepls #pleasehelp

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Momsh since bubuo na kayo ng family at para di ka na din magduda kay partner.. Hindi ba pwedeng bumukod na kayo? Mas maganda sana e kahit sa susunod na ang kasal. Para naman yan sa bubuuin niyong pamilya. Di naman din kita masisisi kung di mo siya pagdudahan dahil may history ng pambababae e lamo na mahirap talaga mag gain ng trust kaya nga dapat magkasama na kayo..

Magbasa pa