Duphaston kahit walang spotting?
Hello mga mommies. I’m 10 weeks pregnant na. Second pregnancy ko ito. First check up ko sa OB ko is nung 7 weeks ako, TVS then nakita na may internal bleeding ako pero hindi naman malala. Hindi rin naman ako nag spotting pero sumasakit puson. So pinatake ako ng Duphaston for 1 week 3x daily. Then nung ika-9th ko, nagpacheck up ulit ako. Na-lessen na raw bleeding. Importante daw walang spotting. Tinanong ko if mag tetake pa ba ako ulit ng Duphaston, sabi ni OB itake ko na lang daw if makaramdam daw ako ng kirot sa puson or mafeel ko raw na naninigas puson ko. Parang magtabi lang daw ako ng at least 1-2 tablet ng Duphaston just in case. #advicepls Sorry napahaba haha. Anyway, ask ko lang. If magkaruon man ng instance na manigas ang puson ko, like paano ko malalaman if naninigas talaga yun or normal lang? May days kasi na pag finifeel ko puson ko, parang matigas pero parang normal naman na ganon siya. Kahit nung hindi pa ako buntis. Wala lang. Baka kasi hindi ko madifferentiate. Baka kasi akala ko matigas then nagtake ako ng Duphaston kahit di naman pala kailangan huhu.