Feeling under the weather or PPD?
Mga mommies, I just want a breather. Lately kasi sobrang mainisin ako. Madalas si hubby napag iinitan ko. Tapos minsan naman konting bagay lang na hindi masunod ng mama ko sa pag aalaga kay baby ko, naiinis din ako sknya. Nagwowork kasi ako, kaya sa umaga, mama ko ang nag aalaga kay baby. Tapos ngayon naman pinagseselosan ko yung isang workmate ni hubby. Nakikita ko naman na puro work related yung usapan nila. Pero hindi ko mapigilan mainis. Hindi ko nga alam kung selos ba or inis lang eh. Natatakot ako na baka I'm experiencing more than just being bugnutin. Naisip ko na minsan magpa check and seek professional help, pero lagi kong hinihinto. Baka kasi ma-label ako as hindi fit para alagaan yung baby ko. Any advice mga inays. Lilipas pa kaya to? Mejo matagal tagal na din tong gantong feeling. Salamat po