Everyday tantrums 😣

Hi, mga Mommies. I just need some advice. Ako lang ba dito ang may baby na sobrang iyakin? 😞 Simula baby sya iyakin na sya, hanggang ngayong 1year old na mahigit, mapa umaga o gabi, mapa tulog o gising. Sobrang nacoconsume na utak ko kakaiyak nya. Simpleng bagay iniiyakan, tatayo lang ako or kakain ako umiiyak sya. Sobrang stressed na ako hindi ko na kaya. Isama mo pa yung feeling na parang single mom ka kasi walang unaalalay sayo maging ang partner mo. I’m a stay-at-home mom, at napakahirap ng sitwasyon ko. Ano ba dapat kong gawin? Ano bang maling sa pag aalaga ko bakit napaka iyakin ng anak ko? Lahat naman ginagawa ko para sa ikabubuti nya, lahat ng dapat matutunang asal itinuturo ko. Pero sobrang magtantrums. Kahit yung gabi na dapat masarap na tulog namin e ilang beses din sya gigising para umiyak, hindi na ako nakakapagpahinga. 😫#firstbaby #1stimemom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

First things first mommy. You have to know your child. Madameng pedeng reasons bakit sya iyakin. Pwedeng gusto nya ng attention mo or may gusto sya na di nya masabi. Yung baby ko super iyakin din nung bata. Lahat na ginawa namen, lahat na kame kumarga pero iyak pa din ng iyak. Hanggang sa umalis na daddy nya at nagwork sa malayo si ako na lang naiwan. Nag-isip ako ng ways papano mababawasan man lang ligalig ni baby.. so yun inaral ko sya. Pag araw ng milk, baka naiinitan o di kaya may kumagat o di naman may masakit. Nung lumaki laki pa sya, natuto na nya ituro kung anong gusto nya.. so nag-iba iba. Nabawasan ang iyak. Tapos ngayon na nakakapagsalita na, nasasabi na nya yung gusto nya.. mas nagkakaintindihan na kame. Minsan nagtatantrums at madalas ang way to to deal with her tantrums eh idivert ang attention nya sa ibang bagay. Sana maging maayos din yung situation nyo ni baby mo Mommy. You will figure it how kase higit sa lahat, ikaw ang mas makakakilala sa baby mo so malalaman mo yan. Give love, show love. If ramdam ni baby na he/she could be safe with you and he/she could trust you.. magiging madali na lang lahat. Kaya mo yan. Kakayanin naten kase nanay tayo. Hugs πŸ€—

Magbasa pa