Milk Bottle for 2yo toddler

Hello mga mommies, I have plan kasi na ibili ng bagong milk bottles ang 2yo toddler ko (yes dumedede pa po siya sa bote). Actually, okay pa naman yung ginagamit niya pero matagal narin yung last na nagpalit ako ng milk bottle niya. Tama pa ba na bumili pa ako ng bago or okay na yung ginagamit niya ngayon? Since 2yo naman na siya? What are your thoughts mga mommies? Pls let me know. Thanks!

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sanayin na po na uminom sa baso, at pakainin ng mga masusustansyang pagkain. Hindi naman po magkukusa ang bata to change his ways and routine unless you train them to do so. Syempre mas sanay at convenient para sa kanila (and caregivers) ang magdede na lng, but at that age, they should be eating more solid foods na po. Unti-unti na pong itrain at sanayin, not buying new bottles is a good place to start ☺️

Magbasa pa

malakas na ba siya kumain ng solids? if ok naman sa pagkain mas ok kung masanay na sa open cup si LO mo.. same age sila ng bunso ko at sa open cup na nainom ng milk since nagpplayschool na siya.. ang iniinom niya milk pag wala sa bahay naka straw nalang na tetrapack ng Cowhead... kaya wag ka na bumili ng bago mi.. pero choice mo pa rin eto kung gusto mo pa siya extend sa pagdede

Magbasa pa

same po sa baby ko 2yrs old . pero wala na ako plano bumili pa ng new bottle. gumagamit naman na sya ng cup.pero di ko pa natry na timplahan sya ng milk sa cup. wag kana bumili mii kung sa gabi lang naman sya malakas mag milk..kahit yung lumang bottles nalang nya parin

VIP Member

Try mo po, sippy cup. Yung baby ko, dinahan dahan ko ng transition eh. From baby bottle to sippy cup then straw sa baso tapos ngayon sa baso nalang. Matututunan din namn nila yan unti unti. Basta tulungan natin sila.

itrain mo na sya uminom sa cup since 2 yrs old na sya para eventually bumitaw na sya sa bottle

9mo ago

kaya kelangan din mi makakain na sya ng solid food at mas dapat priority mo na sya. hindi naman agad agad yan, syempre unti untiin lang mi hanggang sa masanay.. kaya lang naman kasi pinupush ng pedia mo ung gatas kasi sabi mo konti lang sya kumain ng solid food. sa age nya kasi mas matimbang na dapat ang solid food. milk ay supplemental na lang. bibigyan mo padin naman din sya ng milk, less intake at more intake sa solid food.. mejo struggle lang talaga mi pag nakasanayan ng baby mo... pero sabi nga nila, "you do you". ikaw pa din naman masusunod kung ano ang magiging routine ng anak mo kaya dun lang din masasanay anak mo.

TapFluencer

Sguro much better mi if hinay hinay mag introduce sa open cup po dahan dahan lang..