Tips and suggestions needed for FTM
Mga mommies, I have a newborn (9 days old). From 9am-5pm, super smooth lang, after feeding and changings diaper tulog na agad. Pag tungtong ng 6pm - 9pm, dun na start ng kalbaryo namin. Napa-dede na ng 2oz, wala pang 10mins magiiyak kasi gusto pa magpa-timpla kahit kanda tapon tapon na yung gatas while nagsa-suck sya. Ayoko bigyan pero grabe iyak nya. Nakaka-frustrate din kasi may iba pa akong task na di magawa. Naninigas na dede ko kasi di ako maka-pump, nagli-leak na din milk, tapos hugas bote pa at syempre mag half bath kasi ang lagkit ko na. Naawa na din ako sa partner ko kasi inaabutan nya kami ng ganun tapos kahit pagod sa work mag-take over pa sya instead na magpahinga. Any tips and suggestions po? Para kahit papano mapadali buhay namin. FTM po pala. Nagawa ko na lahat, skin to skin, hele, lullaby. Masakit na din lalamunan ko kaka-kanta 😅. Thanks in advance.
Momsy of 1 Kid