I need help. Someone to talk to please

Mga mommies, hindi ko alam gagawin ko. I'm 4 months pregnant and nahuli ko si boyfie na nagchchat sa ex nya. Hindi ko na alam gagawin ko. Sobrang lungkot ng nangyayari and magisa lang ako dito sa province for work. Yung family ko nasa ibang lugar. Magback story muna ko. Nakilala ko si boyfie last April. Never nyang tinago na may mga anak sya and hiwalay na sila ng asawa nya. Nagpursue sya ng panliligaw sakin. And since gusto ko rin sya, I fell. Now, enter May. Nalaman ko na may gf pala sya. Si gf kasal and may anak na. Ang explanation ni boyfie, matagal na nyang gustong hiwalayan si gf nya kasi hindi tama and ayaw sa kanya ng family ni girl. Nagconfirm mga kaibigan nya na totoo. Nung July, naging maayos kame. Halos everyday kaming magkasam. September nabuntis ako ad alam nya agad. Supportive sya. Ilang beses din nya akong inassure na hindi na sila nguusap ng ex nya kahit lasing sya, sinsabi nya na hindi na nya mahal si ex. Ero Decmber 6, nakita ko na nagchachat pa.sila. October, may mga messages sya sa ex nya na namimiss na sya and mahal pa nya si girl. Luckily, naka ignore na sya. Never nagrespond yung ex nya. Last message nya was november 27. Nung November 5 times nalang syng nagmessage Naguguluhan ako mga mommies. Everyday magkasama kami. Pinakilala nya ko sa mga anak nya and close na kami ngayon. Ang sweet nya and very caring. Walang araw na hindi sya pupunta saken. Inintroduce nya ko sa mga kaibigan nya. I confronted him and medyo nagalit sya. Sabi nya kelan pa ba huling nagchat? And hindi naman daw sumasagoy si girl. Ang sabi nya, he is still in the process na kalimutan yung ex nya since minahal talaga nya ng todo. Ang point ko here is what if si ex biglang magmessage na gusto din nyang magkabalikan? I feel na iiwanan din nya ko sa huli. Gusto ko ng umuwi samin. Ang hirap magisa.

4 Replies

Same situation here, im 6 months preggy, at nag lilive in na kmi ng tatay ng baby ko (bf ko) mag 3 years na relationship namin pero i decided to end it, nahuli ko din sya katxt ung ex wife nia and they planning na magkabalikan uli sila para sa dalawa niang anak..hindi sila kasal.. at pilit niang tinatanggi yun kahit.may ebedensya na.. sinasabi nia na ako mahal nia..but hindi yun ang nakita ko sa messages nila.. so i stop..nakakapagod mag isip, nakakastress kaya i let them go nalang for my baby .. maging happy nalng tayu sa knila at gumawa nalng tayu ng sarili nating ikasasaya with our baby. .

Kung nagawa ka nyang jowain nung may gf at baby sya sa iba, madali lang nya magagawa sayo un, hindi man sa ex nya pero baka sa ibang babae. And i can also sense na you're trying to defend him sa kwento mo kahit feel ko alam mo naman sa sarili mo and natatakot ka na dahil alam mong pwede nya yun gawin sayo. Keep on praying na maging tama ung desisyon mo sa buhay 😊

Know your worth. Wag mo na isama sa problema nyong mag ina ang pag iisip sa lalake na routine lang e mag-anak at mambabae. Alam na may mali ka na sa una pa lang... May GF na may anak pero nabentahan ka nang kwentong ikaw ang pinili at hindi yung "Gf" nya, bakit mo pa pinakinggan? Routine lang yan, paikot ikot na cycle.

Agree

Wag ka paka-stress momsh. Kung ganyan history niya, there's no assurance for you and your baby. Better na pag isipan mong mabuti ung next step mo and kung pano mo nakikita future nyo ng baby ng kasama siya knowing na may extra baggage pa siya. Pray ka lang momsh.

Trending na Tanong