WAYS TO FEED A NEW BORN BABY

Hello, mga mommies. FTM here. Yung baby ko tulog lang ng tulog. 3 days old pa siya. Any tips po kung paano siya papainumin ng gatas kahit tulog siya? Mabigyan ninyo sana rin ako ng tips kung paano makapag breastfeed successfully. Salamat

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal po sa newborn na laging tulog, 45 minutes to 60 minutes lang ang wake window ng newborn and 2-3 hours ang tulog nila. You can do dream feeding po, kahit tulog siya ilapit lang sa boob and ipa-latch. Para sa successful na breastfeeding you may contact a lactation doctor/consultant, you can check FB page Arugaan they offer home-visits 1,500 - 1,800 ang consultation and breastfeeding guidance for 1 hour, tuturuan ka nila kung paano ang tamang latch, tamang hakab, ichecheck din nila kung may oral ties si baby kung makita nila na may oral ties ire-refer ka nila sa pediatric dentist para matanggal. May lactation massage din ang Arugaan for 1,500/hour. Look for a pedia na breast feeding advocate din.

Magbasa pa