Newborn tongue cleaning

Mga mommies, FTM here! Problema ko kung paano linisin tongue ng baby ko. 2months na po siya and never ko pa po nalilinisan. Sorry if it sounds pabaya ako. Pero wala pa po kasi akong idea about it kung kailan dapat at kung papaano siya dapat gawin. 😓😮‍💨 I asked her pedia naman about sa paglinis ng dila ni baby. I asked her: "Dok, need ko na po ba linisan dila ni baby?" And she answered "kahit di na muna" Pero ngayong 2months na siya napapansin ko na parang kumakapal na. Minsan nababawasan naman siya pag nagtagal. Pero alam niyo po yon, yung feeling ko... Atat nakong iscrape lahat nong mga yon sa dila niya. Gusto ko na talagang linisan. Sa sobrang tempted ako, kumuha nako ng malinis na tela at binasa ko ng warm water at sinubukang punasan dila ni baby. Kaso po parang nahihirapan po ako na linisin kasi parang nasasaktan ko ma siya..pero gustong gusto naman ni baby. Sinusubo niya parin kahit nakailang attempts na ako. Kaya kabg po andon yung takot ko na baka magkamali ako. Na baka bigla siyang magsuka or baka masobrahan ko. Hindi ko po talaga alam kung pano. May mga tips po ba kayo jan or baka naman hindi pa po ba necessary na malinisan muna yung dila ni baby not until she reaches a certain month of age? I need you guidance mga mommies, first time ko po kasi ito. And mag isa ko po kasi na inaasikaso lang baby ko. What should I do? #firsttimemom #adviceplease #ineedhelp

Newborn tongue cleaning
22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ganyanndin naging prob ko sa panganay ko,masama din yan pag kumapal. May ineresta sa akin ang Pedia na gamot,inilalagay sa cotton balls tapos un ung pinanglilinis

VIP Member

Sakin po every after ligo or punas ang linis ng tongue kasi malaki yung possibility ba magkasingaw . Kawawa naman si baby. Since day 1 nilinisan ko sya

Lampin basain mo ng distilled or sterilised water. Pwede rin cotton buds Kaya lang doble ingat. Meron din nabibili silicone gum/tongue massager/brush

si baby ko po noon every day linis gamit lang manipis na tela, basahin then yun pinampupunas ko sa dila at gums nya, basta gentle lang po mommy.

VIP Member

Sterile gauze pang tongue. Mas madali maalis. Kailangan everyday nilinisan . Kase delikado yan baka magka thrush parang yeast infection siya.

Merong "gumbrush" na parang pacifier din. May soft bristles sya.. So baka aside from wet cloth, pwede ko gamitin yun.

lampin lang po. or disposable cloth until 1 yr old. as per pedia from st lukes advice

VIP Member

Meron po nabibili sa shopee mommy, Baby Tounge Cleaner po parang soft cloth sya. :)

Sabi nila pwede nasa saiyo pero ako hindi ko nilinisan kasi dede nanaman

Gumamit ka po nang tela, basa-in saka mo ipahid sa dila n baby