pag ngingipin ni baby

Hello mga mommies ftm here. Normal po ba pag nag ngingipin si baby na lagnatin? Pero 36.7 lang po temp nya at pabalik balik po yung init ng katawan nya mamaya mainit mamaya hindi na. Pero masigla sya at natawa naman po hindi po sya matamlay sabi po kasi ng lola ko namamaga na po gilagid ni baby. Salamat po inadvance.

pag ngingipin ni baby
13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Baka dahil sa sobrang init or nababad sya sa lamig like electricfan or aircon tapos bigla pong inalis sa lamig kaya lumalabas ang init ng katawan.. Na observe ko kasi sa anak ko yun minsan akala namin may lagnat. Normal lang din naman po ang temp nya.

5y ago

Thankyou mamsh mahirap na kasi ngayon lumabas dahil may covid. Ayoko naman na dalhin si baby sa hospital delikado.

Normal lang naman po yung temp. then kung sapalagay mopo mainit siya punas punas lang pag umabot po ng 37.3 mas dalasan ang pag punas pag nag 37.5 pacheckup niyo napo di po kasi talaga nakakalagnat ang pag ngingipin e sabi ng pedia.

Kaya nga po normal naman mo po temp nya. Siguro nga po sa panahon ngayon lagi ko naman po sya pinupunasan umaga at gabi. Iba po kasi init ng katawan nya ngayon kaya worried din po ako. Salamat po

Hello mommy. Normal body temperature is 36.5-37.5 po. Mainit kasi panahon ngayon kaya siguro ganun. Punasan niyo nalang po madalas or paligoan niyo po.

VIP Member

37.5 pataas ang lagnat mommy. At kung lalagnatin man ang baby dahil nagngingipin, normal lg po yun.

5y ago

Dipwnde po sa bata yung temp mommy sa mga infamt 37.3 sinat napo yun lagnat napo 37.5 thanks.

Super Mum

Normal pa ang 36.7. Baka naiinitan si baby. Try nyo mo po linisan or liguan para mapreskuhan

Normal po nalagnatin si baby pag nag ngingipin, minsan may kasama pang ubo't sipon.

It is normal..u don't have to worry about it aia😊👍

VIP Member

Within normal temperature. Okay lang yan 🤗

Normal lg po, ganyan dn kc baby ko