Hi mga mommies,
FTM, 24 weeks pregnant po ako at kahapon pinag OGTT ako ng OB ko. And ito ang naging result. Lahat mataas. Sabi niya may Gestational Diabetes ako and may chance na magka diabetes rin si baby paglabas na sobrang kinalungkot ko. Nakakaiyak sa takot yung naramdam ko until now.
Nirerefer niya ako sa isang Endo kaso hindi ko pa mapuntahan dahil mahirap kumuha ng appointment ngayon. :(
Question ko,
1. Anong kailangan kong gawin?
2. Mag nonormal pa ba ang blood sugar ko?
3. May nireseta sa akin si OB nung simula pa lang na malaman kong buntis ako na Enfamama A+, minsan walang mabilhan kaya Anmum ang iniinom ko. Ang sabi niya sa akin ituloy ko lang ang pag inom. Dapat ko pa ba ituloy ang pag inom nito?
4. Sa ganyang result need na ba mag take ng insulin or pwede pang maagapan sa ibang bagay?
5. May chance pa po bang ma normal delivery ko si baby? Or CS na talaga?
6. May nag sabing kumain rin ako ng fresh pinya. Hindi po ba bawal yun?
Hoping na may makasagot sa mga tanong and maliwanagan ako. Sobrang natatakot kasi ako para sa amin ni Baby. :( Sana may makasagot na mga mommies na pinagdaanan rin ang ganitong case, OB or Endo.
Thanks in advance po!
Rebecca Martinez