Gatas sa ilong ni baby

Mga mommies first time mom ako nag woworry ako sa baby ko kase yung gatas lumabas sa ilong nya 1 month old yung baby ko may same scenario din ba kame dito? Napapaburp ko naman si baby pero baket may lumabas na gatas sa ilong nya bigla nakakatakot. Sa 15 pa ang next visit ng baby ko sa pedia nya. Bakit kaya ganon? Sana may sumagot thank you #1sttimemom #pleasehelp #advice

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy baka po na over feed mo si baby ng milk kaya ganun. Orasan niyo po ang pag bigay ng milk kay baby. Dati ganyan si baby namin madalas over feeding ako then ginawa kong every 2hrs or 1 and a half hr yung pagbigay sakanya ng milk. Pag napadede niyo na siya then umiiyak padin after 30mins or 1hr try mo siyang kargahin muna mommy para tumigil sa pagiyak. Mas maganda po may oras ang pagfeed kay baby ng milk para di po siya maging bloated at para di nasobrahan sa milk para di po siya nagsusuka na labas din sa ilong. Ingat mommy. Godbless

Magbasa pa