sss dilemma
Hi mga mommies and daddies din if meron. Gusto ko lang ishare yung experience ko sa daddy ng baby ko need lawful advice na din kung meron man nakakaalam. Yung daddy ng baby ko nagsama kame for 19mos. Actually, kakapanganak ko lang last Feb 2020 via cs delivery. Bago pa man ako manganak, yung daddy ng baby ko sinabi na nya saken na yung makukuha ko daw sa sss ko eh ipangbabayad lang daw namin sa hospital bill. Kase plano nya, uutang sya muna tapos pagnakuha na yung sa sss ko un daw pangbabayad ng utang. Para dun nmn daw tlga yon. Naisip ko, pede naman un gamitin sa mga susunod na gastos paglabas ni baby. Take note po na sanay tlga sya mangutang kaya yun ang ikinaiinis ko sa knya. Kahit sa mga luho. So thankful naman ako at madami kame nakuha na preloved clothes na pang baby para di na kame bumili. So eto na delivery day ko na. Biglang cs lang tlaga ako pero sabe ng ob ko kaya naman normal kaso 12hrs na ko naglalabor d pa dn nabukas cervix ko. Kaya nagdecide na kame na via cs. Sa totoo lng 6hrs pa lang na naglalabor ako sabe ng ob ko cs na daw ako kaso nagbaka sakali ako kase wala kaming pangbayad for cs kase d naghanda yung daddy ng baby ko nakaasa sya sa mga uutangan nya pero ilang beses ko sya sinabihan na wag panay leave or tulungan nya ko magonline sell para may extra income kame kaso ayaw nya. Nangyare naextend pa kame ng isang araw sa hospital kase wala kaming pang discharge naghanap pa kame ng mauutangan. Actually sinisisi nya saken kasalanan ko daw kung bakt kame baon sa utang kase ako nmn daw may gusto sa private hospital. Mga mommies masisisi nyo ba ako kung gusto ko sa isang maayos na hospital at may kakilala ka na don na doctor para maensure mo lng na safe kayo ng anak mo?? Mali ba ko sa desisyon ko na yon? :( Dahil ang gusto nya sa manila daw ako manganak at public hospital na d man lang niya kilala yung doctor basta daw mura or ung kaya nya lang. (Btw taga quezon province po ako) Pinaglaban ko pa sa kanya na ayoko manganak ng d kasama ang pamilya ko kaya kasalanan ko daw lahat kung baket kame baon sa utang. Kasalanan ko dn ba kung d sya nagipon para sa kelangan namin ng anak ko? Nakaasa pa sya sa sss ko. Sabe kase ng magulang ko lalake daw dapat talaga ang sasagot sa panganganak ng babae. Agree po ba kayo don? mali ba paniniwala ko?


