MILO

Hello mga mommies, ask ko lang sino dito mahilig sa milo nung ngbubuntis? kamusta po? hndi po ba totoo na iitim yung anak kapag palagi nag mimilo? cguro nakaka 4-5 glass ako a day kaya pinapagalitan ako ng mama ko at baka daw magkulay milo ang anak ko. please advice nmn po. maraming salamat ☺️☺️☺️

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po sa first born ko. Mahilig ako mag milo nun. Lumabas baby ko moreno talaga yung skin type niya. Kahit ngayon na 7 yrs old na siya ganun na talaga. Wala naman po kinalaman yung milo sa skin color ni baby. Nasa genes po kasi yan. Hubby ko medyo fair skin and ako but yung papa ko is moreno kaya ganun kulay ni baby.

Magbasa pa

Ako din mahilig sa Milo pero minomoderate ko nalang ang inom ngayon. Hindi ko naman naisip na makakaapekto ito sa magiging kulay ni baby paglabas 😅 nasa genes po yan. Kami ni mister moreno't morena kaya di ako mag-expect na tisoy ang baby namin 😂 basta healthy sya, yun ang mahalaga 😊

Kung maiitim po both parents malamang ganun din kulay ng baby. Kung hingi ka ng advice mamsh, maiaadvice ko sayo atleast 2glasses lang per day yung milo, wag mo sobrahan, kontrolin mo kasi sugar yan, hindi maganda pag sobra ang sugar, buntis man o hindi

VIP Member

Ako sa first baby ko, mahilig ako sa milo pinapalaman ko pa nga sa pandesal, bibili ako para kainin hindi para timplahin, paglabas ng baby ko maputi siya pero pagdating ng ilang buwan niya naging morena na siya, parehas kaming Moreno at morena.

Nasa genes po yun Mamshie. Ako mahilig sa milo, ayaw.ko kasi nang coffee pero iced coffee, yes. Nung nalaman kong buntis ako at sinabi ni OB iwasan ang chocolate drink or any caffeine. Kaya milk na lang ako. Anmum, mocha latte.

Ako po, sobrang hilig ko sa milo sis. Mapuputi naman babies ko. :) Sa genes niyo po iyan ng asawa mo. Kung may moreno/morena sa sides niyo both pedeng mamana po ni baby.

Hindi po totoo momsh. 1 and a half month na po si baby ko at sobrang puti niya samanatalang milo ang palagi kong iniinom nung preggy ako.

VIP Member

Parang d nmn totoo momsh na Pag mahilig sa milo e maitim na kulay ni baby. 😅 cgro kya nagging maitim kulay nang bby nsa lahi na dn po yun

hindi nmn 22o un haha, pro ingat k prin mommy dhil matamis ang milo bka mg k diabetes k at nakaka tibi ng pupu yan kya wag msyado mrmi👍

Hindi po totoo yun hahaha ako dark chocolates ko pinaglihi baby ko pero maputi siya paglabas nasa genes niyo po ni hubby mo yun momsh

Related Articles