13 weeks pregnant no symptoms

Hello mga mommies, ask ko lang sana kasi hindi ko sure kung ano ba dapat gawin ko. 13 weeks preggy na po ako, last check up namin June 6. Ok na ok naman po heartbeat ni baby nung check up. Ang concern ko kasi wala ako any symptoms nararamdaman. Wala morning sickness. Alam ko dapat happy ako. Pero napapaisip kasi ako, ok lang din kaya si baby? Hindi ko din kasi sya nararamdaman. Parang hindi din lumalaki puson ko. Next check up namin July 4 pa. Wala din ako spotting. As long as walang spotting, considered ba yun na ok si baby? Kinakabahan kasi ako baka mamaya sa next check up magulat na lang ako. Please respect my post po. Worried mommy lang. First time mommy po. Thank you.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sis, nai deliver ko ng maayos first baby ko... since day 1 ng pagbubuntis ko, wala akong naramdamang paglilihi kahit isa... di ko nga alam na mag 4 months na pala nun ang tiyan ko... na shock nalang ako dahil hindi na pala ako dinadatnan ng ilang buwan.. hahahaha kaya nag pt ako, ayun nga at positive na..

Magbasa pa

ok lang yan mommy, same po tayo 13 weeks na. maliit pa po si baby nyan pero pag nag pa check up ka ulit dinig na heartbeat nya sa Doppler. nasa bandang line pa sila ng panty natin.

Mapapa sana all ang isang preggo na kgaya ko na malala morning sickness. Enjoy lang mhie, wag mabahala.

ganyan na ganyan ako sa 1st baby q momsh. and mas maganda din kung walang spotting. kaya no worries po.

16 weeks po madalas maramdaman si baby lalo sa first time mom