About Philhealth
Hi mga mommies ask ko lang po last May this year yung last hulog ko sa philhealth ko dahil nag resign na ako. Magagamit ko ba ito sa panganganak ko? And if ever na magamit mafully paid ko kaya bills ko or malaki pa rin matitira?.. Baka cs ako manganak. Team December po ako. Salamat sa sasagot please respect 😊
Kakaprocess ko lang kahapon ng Philhealth. May bagong policy na sila, need na bayaran ang missed months since 2019. Team November/December 2022 din ako. Tapos sabi naman ni phic, pwedeng whole 2022 muna. Then if naka luwag2 na, saka na bayaran ang missed months from 2019 to 2021 para iwas penalty. Kasi sa ngayon onhold pa daw yung penalties sa late payments. Voluntary paying member ako, 400 per month na yung rate nila for 2022. And hindi fully covered manganak, mababawasan lang. Pero depende din yata sa Hosp? If Public hosp, libre I think?
Magbasa pakailangan nyo po bayaran hanggang december. mababawasan lang po ang bill nyo, hindi fully covered ng philhealth ang hospital bills. 😅 same po tayo na team december, ganyan po sinabi sakin sa philhealth. 😊
Hi mommy, ako po Dec 2020 pa ang last hulog. team December din ako. Ang advice sakin ng hospital na pagpapaanakan ko, need ko raw bayaran from Jan2022-Dec 2022, pwede po kahit voluntary lang. 400 per month.
Basta may hulog ka pasok ka
Hoping for a child