CONVID VACCINE

Hi mga mommies, ask ko lang po kung meron po sainyo nagpaCovid Vaccine while pregnant? Yung OB kopo kasi nirerequire nyapo ako magpa booster. Kaso ayaw po ng mama at byenan ko. Nag aalangan din po kasi ako.#1stimemom #advicepls #pregnancy #firstbaby

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nasa experimental stage palang ang mga MRNA vaccines ngayon. Manigurado ka nalang. Kase di pa natin alam ang long term effects nya. Kelan lang naman naimbento ang MRNA vaccines. Ngayon lang nila sinubukan yan. Unlike sa traditional protein-based vaccine which is proven very safe na ilang dekada nang tinuturok sa mga health center. Oo ok sa ngayon, pero paano na sa mga susunod na taon sayo? Or paglaki ni baby? Nanganak ako surge ng Omicron. Mga ka ward namin sa hospital nag Covid positive. First day ng pagkapanganak ko sa hospital na expose na kaming mag-ina sa Covid. Ok naman kami. Unvaccinated ako at family ko until now including my two son na nag-aaral face to face. We are all healthy pati si baby kahit expose kami sa madaming tao palagi. Basta i-goal mong magbreastfeed mamsh. Kahit inuubo't sinisipon na ang mga tao sa paligid namin di basta basta nahahawa ang baby ko at ako. Boost your immune system. Sa Norway once na magka covid positive ka di ka nila i-rerequire magpabakuna kase ibig sabihin na immune ka na sa virus. Nakilala na ng katawan mo ang virus kaya alam na ng immune system natin kung papaano labanan ang virus.

Magbasa pa

ako mie kasi required din ng ob ko last may nag pa 1st booster ako ayaw ko sa totoo lang dahil yung side effect sakin ng 1st at 2nd dose ko ng astrazenica is grabe talaga..pero sabi ng ob ko last year pa 2nd dose mo kaya dapat makapag pa booster na daw ako wag nalang daw ako mag astra if ayun ang side effect samin..booster shot ko is moderna sa awa ng diyos wala naman ako naramdaman na kahit anu o lagnat yung pain lang sa part kung san mismo ako na vaccine..dagdag protection din daw kasi sating mga mommy na mag pa booster as per my ob dahil pag nanganak tayo di natin sure anu o sino makakasalamuha natin sa hospital and lahat na daw kasi ng tao is nasa labas na.. pero alam ko my ibang ob naman na di nag rerequired na mag pa booster o mag pa vaccine po

Magbasa pa
3y ago

yes mie kasi nabigay sakin letter ko mga month of april tas medyo kabado pa talaga ko nag iisip ako maige if anu ba mag papavaccine o di nung nagkalakas na ko ng loob ayun may nag pa vaccine na ko ng booster..pfzier pa nga gusto ko kasi mas malakas ang moderna pero that time kasi walang avail na pfizer ang meron lng is moderna..as per doctor sa pinag vaccine site ko sa caloocan ang pwede lng daw n vaccine s buntis is moderna and pfizer..actually nasa commorbidity din ako kaya after 3months 2nd booster shot q n pero wala naman advice si ob na mag pa vaccine ako ng august before manganak..team august kasi ako baka makapanganak nalang ako mag pa 2nd booster if d naman irrequired.. yes pakiramdaman mo muna din katawan mo kasi di naman same ang katawan ng bawat tao o magiging side effect nila sakin pinag dasal ko nalang din na sana after ko ma booster is maging ok ako dahil yung takot andun pa din naman iniisip ko kasi after booster ano mangyayari sakin o sa baby ko

wag mo po isugal ang buhay nyo ni baby. marami na pong namatay dyan sa mga COVID vax na yan. yung iba po nakunan sila, yung iba di kinaya ng katawan. di naman po kayo sagutin ng OB nyo kung sakaling may mangyari masama sa inyo ni baby. at sa ngayon hindi na po tlga yan kailangan lalo na po nailabas na ng Pfizer ang 9pages na mga adverse effects pi nyan. Mula A-Z pwde mong makuha sakit sa dami po.

Magbasa pa
Post reply image
3y ago

@Vin Ssi, edi kung ayaw mo magpa-vaccine wala namang pumipilit sayo. di mo kailangan i-push sa iba yung gusto mo kasi may mga doktor rin naman na nagsabi na safe yung Covid Vax lalo yung booster. Mas mahirap na yung dapuan ka ng covid dahil wala kang bakuna 🤦🏼‍♀️

Meron po. Astrazeneca pa nga po ang vaccine na tinurok. Second vaccine yun then nagpabooster ng Pfizer while preggy. Safe naman po ang covid vaccine while preggy. Pfizer nalang po ang piliin nyo booster. Then safe naman ang biogesic sa pregnant kaya after mavaccinenan, inom agad ng biogesic para di lagnatin. Trust your OB. Di po sya magrerecommend ng procedure na di kayo magiging safe ni baby. ☺️

Magbasa pa
3y ago

noted po, thank you po mie 😊

Hello po mommy , ako po diko po alam na buntis ako din nagpa covid vaccine po ako last February (Janssen) , then tinanung ko po kay OB ko if may side effect ba un kay baby sabi naman nya wala mas safe ngadaw po na may vaccine then pinagyan nya ako ng letter para ipakita sa hospital na pwede daw ako magpa booster pero di ako nagpa booster kasi nattakot ako 🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️

Magbasa pa
TapFluencer

Wag po kayo maniniwala sa mga fake news :) Wala pong kinalaman ung vaccine sa mga miscarriage. kung may mga instances ay dahil iyon ay isolated case o di kaya may underlying condition na sila that leads to miscarriage at nagkataon lang na nagpabooster/vaccine sila. Nagpabooster po ako nug first trimester ko and walang nangyare saken. Ito po currently 7 months na

Magbasa pa

Ako mami 4th month 1st vaccine tas 5th month 2nd vaccine ko. Sinovac parehas. then pagka9 month ko nagpabooster parin ako. Pfizer na that time. Wag ka po matakot mami. mas magandang maimmune na din yung baby sa loob ng tyan mo para pag naasa outside world na siya may panglaban siya. lalo na din ikaw po. ♥️♥️♥️

Magbasa pa
3y ago

pangangalay lang mi sa braso nafeel ko. basta pagkauwi ko uminom agad ako ng biogesic. tapos humiga lang ako buong maghapon at nakatulog rin para magrest at di matagtag yung braso ko. di po ako nilagnat or kung ano po. mangalay lang talaga sa braso. kaya iwasan itrabaho yung brasong tinurukan.

ndi inadvice skn ng ob q na mg pabakuna..iba iba kc ang reponds ng ktwan sa bakuna..kya ndi nia pnpabakunahan mga buntis niang patient...pinag iingat nia lng kmi lgi..early leave sa work..bawas labas labas at pkkisalamuha sa mdming tao..kc gnon pa nmn dn kht vaccinated ngkaka covid..at kht vaccinated kelangan pa dn swab pg umanak...

Magbasa pa
TapFluencer

Ang hindi lang po inaallow ng OB ay ang risk of taking vaccine on your firsr trimester since crucial for developing fetus. Pero kapag lagpas na po ng first trimester, pwede na po kayong magpavax, whether 1st, 2nd o booster. As per my OB and the vax doctor na nakausap namin before kami nagpabakuna. 🙂

Magbasa pa

https://t.me/CovidVaccineDeathandInjuriesDepo download nyo po yan mga mommies dyan nyo po makikita yung mga namatay at nagkasakit dahil sa covid vax. magising na po kayo sa katotohanan. once na pumasok na po sa katawan nyo ang vax para na po kayong may time bomb sa inyong buhay.

Related Articles