Mittens 😊

Hi mga mommies! Ask ko lang po kung hanggang ilang months recommended na mag mittens si baby? May mga nakikita kasi akong kasing age lang ni baby na 2months lang din pero hindi na naka mittens. ☹ Hindi ko alam kung dapat ko na din ba istart na tanggalin o ano Nagugupitan ko naman ng maayos yung kuko niya. Kaso natatakot pa din kasi ako na baka kalmot niya muka niya lalo na mahilig siya mag kamot ng muka pag inaantok. 😩 #advicepls #1stimemom

Mittens 😊
57 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy, yung baby ko nung newborn lang nag mittens, nilalagyan namin pero natatanggal sa sobrang kalikutan nya. Kaya after a week pinabayaan na lang namin na walang mittens. Nung 2 weeks sya ginugupitan ko na ng kuko. And napansin ko kay baby mahilig na sya mag hawak hawak kasi napractice nya agad yung kamay nya.

Magbasa pa

mas magandang walang mittens sis para maexplore nya ang kamay nya, wag po kayo matakot na baka makalmot nya mukha nya part po ng exploration yun. pagka gupit ko ng kuko ng lo ko tinanggalan ko na ng mittens, sa gabi ko lang nilalagyan dahil malamig kasi naka ac kami.

Usually 1 month inaalis na kung nagugupitan na po ng kuko. para po nakasingaw din kamay nya na matagal nakulob sa mittens. or kung di pa po kayo kampante, lagyan mittens pag antok na at tanggalin kung tulog na kasi mostly di naman nagkakamot baby pag tulog

2 months si baby ko wala na mittrns. Mas mabuti po maaga d na mag mittens para daw alam nila may kamay sila at ma develop ang sense of touch. Tsaka prone sa germs ang mittens kasi nababasa tas ilalagay pa ni baby sa bibig niya.

after 1month po tinanggal ko na, need lang naman po magmittens para maiwasan makalmot ung face nila, pero kung nagugupitan na po ng kuko c baby pwede na po alisin para mastimulate ung sense of touch nila.

Nung ng 1 month n c baby pinutulan n nman xa ng kuko & inalis n dn nmen ung mittens. Para dw msanay n c baby n inoopen yung kamay nya. Check nyo lang lagi kuko ni baby pra mputulan agad if mahaba n ulit.

Mas maganda po as soon as possible wla na syang mittens. Just make sure na cut ang nails nya para di nya mascratch sarili nya. Napapractice po ang hand and eye coordination ni baby.

1 month lang po saken. pinatanggal na ng byenan ko. ayos naman po. chicechek ko na ln po always yun hands nya pagpahaba na kuko at pwede na magupit ginugupitan ko po agad agad.

hanggang 3 months pero since 1 month di na nagmittens si baby sa araw. kahit nagupitan na nails ni baby mejo harsh kasi siya sa face niya lalo na pag gabi. very good naman grip ni baby.

Pagka 1 month po, ginupitan ko na ng kuko and inaalis na dpende nalang kapag malamig saka pag gabi sinusuotan. Para mapraktis nya magclose open ng kamay saka magtouchtouch ganorn.