Mga mommies ask ko lang po if madami ka pong nagawang pag kakamali in the past... And you want to forget... Until your partner or husband did some digging up tapos quequestionin ang mga iyon.....
D po ba dapat is tanggapin ka ng buo?
Hi. Kumusta po. Mahirap po situation niyo, hawak niyo na fb ng isat isa pero hindi parin makamove on yung partner mo. Dapat past is past na yun. Hindi kayo mag move forward.
At mahirap din talaga sabihin sa parents yan lalo pat ikaw ang may kasalanan.
Kailangan mag usap kayo ng masinsinan ng partner mo at iexplain mo na nahihirapan ka dahil wala kang peace of mind sa ginagawa niya.
Kung hindi maibigay yung peace of mind na hinihingi mo at ayaw niyang mag move on na kayo, nasayo po yan kung kaya mong unahin ang sarili mo at iwanan na lang siya at mag move on mag isa.
Threads: @s.a.r.a.h_m.a.e | TAP since 2020