Hilab 32 weeks and 5 days
Hi mga mommies, ask ko lang po baka may kaparehas ako ng sitwasyon. Last week Hirap ako sa pagdumi sobra, ginawa ko na lahat, papaya, yakult, kumain na ako ng mga pagkaing mayaman sa fiber, kaso wala padin umabot na sa 9 days na hindi ako nakadumi nung pang 10 days ko grabe yung hilab ng tiyan ko naisip ko baka yun na yung time para magdumi, success naman nakadumi ako kaso diko natapos ๐ nandilim na yung paningin ko nanghina ako sobra, inalalayan na ako ng asawa ko palabas ng c.r at para tumayo kasi diko talaga kayang tumayo dahil sa sakit ng tiyan ko, naramdaman ko pa yung paggalaw ng baby ko paibaba, ang sakit ng vagina ko nun. Nagtake ako ng duphaston after 10 mins umeffect naman nawala yung pain paunti unti, akala ko okay na kaso habang lumilipas ang araw palagi ng humihilab ang tiyan ko tapos nanghihina na din ako lagi kahit natutulog naman ako, nagsabi na ako sa OB ko, sa wednesday pa check up ko dahil lockdown kami ang hirap makahanap ng masasakyan. Gusto ko lang malaman mga mommies kung may nakaexperienced din ganito sa inyo? Ano ba yung ginawa niyo? Masakit talaga sa tiyan e. Sana po mapansin niyo ๐