Paranoid by using fetal doppler

Hi mga mommies, Is anyone using fetal doppler at home sa inyu mies? At 14 weeks during my prenatal visit , pinarinig ng OB ko ang Heartbeat ng baby namin. Then we decided ng partner ko to buy fetal doppler para ma test namin at home, at nag ask din ako ng permission sa OB ko if it is safe to use it at home at sabi nya Safe daw & anytime pwede daw ito gamitin. But na paranoid ako kasi I am at my 16 weeks now then ginamit ko but wala ako marinig, then 2nd time ginamit namin ng partner ko but di namin mahanap yung HB ni baby. Di ko lng sinabi sa partner ko but part of me is parang nag ooverthink at napa paranoid ftm pregnant po ako. Or di lang kami marunong gumamit nito? #FETALDOPPLER#BabaeAko #16weeks#ftmpregnant

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Plan din namin dati bumili ng fetal doppler para di ako maparanoid lalo na once a month lang checkup namin kaso dahil sa reviews and experience ng ibang momshies na mas naparanoid sila nung gumamit ng fetal doppler at home tapos pahirapan mahanap heartbeat ni baby, hindi na lang kami tumuloy sa pagbili. Good thing, sobrang likot ni baby at nakakafeel kami ni hubby ng movements kaya no need na kami magdoppler, wait nalang sa sched ng mga ultrasound. Sinabihan din kasi ako ng OB na pag puro worries ako kahit na ok na ok naman results ng ultrasound ko, hindi ko daw maeenjoy ang pregnancy journey ko so i decided to put my trust and faith kay baby at kay Lord. Mas may peace of mind na ako ngayon.

Magbasa pa

Kakabili ko lang fetal doppler ko last week sizz. Same din sinabi ni OB na safe naman sya gamitin anytime. Nahirapan din ako hanapin HB ni baby for 2nights. Pero nung pang 3rd night ko up until kagabi. Nahanap ko na din HB ni baby. Tiyagaan lang talaga mamsh. Nasa bandang puson po sya normally sa baba ng pusod check mo muna sa right pag wala sa left. Hopefully mahanap mo din HB ni baby. Gudluck mamsh! Wag ka masyado mag worry. Baka nahiya lang yan si baby.

Magbasa pa
2y ago

Actually maingay nga yung fetal doppler ko. Pero yes sizzz. Rinig ang heartbeat. Pag ang HB is mas mabilis. Kay baby yun. Pag mas mabagal. Sayo yun sizzz. Try mo compare.

that's why hindi talaga ako bumili nyan. inadvice din ng OB ko na wag na dahil minsan mahirap daw talaga hanapin ang heartbeat at mas lalo lang nakakasama sa mental health natin pagkaganon. Nag aantay nalang ako ng check up at pray pray nalang, dahil mas mahirap yung meron ka ng doppler e wala ka pa ding peace of mind. 16th week din ako now fetal movements ni baby nagpapagaan ng loob ko ❤️

Magbasa pa

damihan mo mi yung gel, tapos hanapin mo sya sa baba ng pusod mo kasi 14weeks palang. yung quality ng doppler baka factor din. started using doppler nung 12th week ko since high risk ako and need tlaga namin imonitor (for peace of mind lol). sa una sobrang faint lang ng sound tlg… dont worry☺️

VIP Member

Baka po mali ang placement ng probe.. check nyo po sa packaging ng binili nyo po na fetal doppler usually po nakalagay dyan, or you can search on Google po yung "proper fetal doppler placement" depende po kasi kung ilang weeks na si baby ang placing nyan.

Dagdag ko po sa mga comments, minsan po kasi ung nabibili na fetal doppler eh hindi ganun kasensitive, unlike sa talagang gamit ng mga OB or mamahalin talaga.